Chapter 18

29 8 5
                                    

"Hey dudes!" napakasiglang bati ni Lj sa lahat nang makarating siya dito sa bahay nila Pawn. Napagusapan kasi namin ngayon na tumambay kanila Pawn dahil umalis daw ang parents niya para sa business matters. Pareparehong businessman/woman ang parents namin kaya nagkakaintindihan kami sa mga ganitong bagay.

"Happy wednesday guys!" bati naman ni Shiane sa amin kaya naman nginitian ko siya. Sanay na akong kapag may gala kaming magkakaibigan ay kasama si Shiane dahil sa sinasama siya madalas ni Lj. Siguro nga ay nagkakamabutihan na sila kaya ganon na lang sila sa isa't isa. Kung pagmamasdan mo nga sila nang hindi mo sila kilala ay iisipin mong may relasyon na sila.

"So ano? Dito na lang tayo titigan lang?" biglang sabi ni Jake kaya naman natawa ako. Kung sa aming magbabarkada ay si Lj ang babaero, ito namang si Jake ay yung puro lakwatsa, di mapirmi sa isang lugar.

"What if mag Roadtrip tayo?" suggestion ni Shiane kaya naman naagaw niyang lahat ang atensiyon namin. "You guys have your cars right? Pwedeng maki ride na lang ako kay Lj or sayo Dwaine." at tumingin siya sa akin.

Sa hindi ko malamang dahilan ay parang iba ang tingin niya sa akin. Para bang hindi na iyon ang tingin nang tuwa at saya na makita ako at makausap ako...

"A-ahh yeah!" sagot ko na lang sakanya.

"Are you feeling well dude? Bakit nauutal ka?" tanong naman ni Lj nang mapansin ang pagsasalita ko.

"Ah no bro i'm all good don't worry." atsaka ako nagiwas nang tanong. "So saan ang destination natin?" pagiiba ko ng topic dahil nakita ko ang mga nakakalokong tingin sa akin ni Pawn at Jake...

"I know a place na may relaxing ambiance at over looking view makakarating tayo don estimatedly 1 Hour of driving." at mababakas ang excitement sa tinig ni Shiane.

"Wow ha hindi to planado Shiane?" tumatawang sambit ni Pawn sa sarkastikong tono pa at tinawanan lang siya ni Shiane.

"Let's Go na!" at tumayo si Jake nangunguna sa lahat kaya naman nagtayuan na din kami at pumunta sa garage nila Pawn dahi doon naka park lahat ng kotse namin.

"Let's go Shiane." natigilan ako ng magkasabay na magkasabay naming sinabi ni Lj yon.

"Hoy Elyssa Shiane napaka ganda mo HAHAHAHAHAHA" biro ni Pawn bago sumakay sa kotse niya at nag hairflip naman itong si Shiane... Baliw talaga.

"Take care of Shiane dude. Drive safely." sinabi ko iyon para hindi na malito pa si Shiane kung saan siya sasakay dahil napansin ko sakaniya na parang nalilito siya.

"I will dude! Hindi lang care love pa!" sagot ni Lj kaya naman napangisi ako lalo na ng alalayan niya pa si Shiane na nagme make face habang sumakay sa kotse niya, dahil siguro sa sinabi niya. Pag sa kotse ko nga ay nagkukusa iyang si Shiane e tss...

Gusto ko mang makasama siya para makapag kwentuhan na din ay hinayaan ko na lang.

I want to have a short quality time with her para naman makumpirma ko ang nararamdaman ko...

"So where are we heading?" si Jake na nasa sarili niyang sasakyan hinihintay ang kotse namin ni Lj na makalabas.

"Just follow us." sigaw naman ni Shiane at nauunang pinaardar ni Lj ang sasakyan niya kaya naman sumunod kami.

Sa kalagitnaan ng pagmamaneho namin ay huminto si Lj sa isang gas station na may mini store sa tabi at kaya naman nagsihintuan din kami.

"Stop over guys gutom na daw ang prinsesa ko." habang inaalalayan ni Lj na makababa si Shiane. Pinapanuod ko lang silang magtitigan pagkababa ni Shiane at doon ko nakita ang saya at kislap ng mata niyang hinahanap ko kanina.

You, Only YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon