Chapter 17

29 8 2
                                    

Mula umaga ay hinihintay ko ang tawag ni Dad. Ginawa ko na din ang mga dapat kong gawin sa umaga habang hindi pa tumatawag si Dad para naman kapag tumawag siya ay makapag usap kami ng dirediretso at wala na akong iisipin pang gawain.

Nandito ako ngayon sa aming Garden kaharap ang laptop ko. Nagbobrowse lang ako sa mga social media accounts ko habang hinihintay ang tawag ni Dad ng mapukaw ng atensiyon ko ang isang post mula kay Lj. Larawan iyon ng isang babaeng nakatalikod at ang background ay nasa theme park. Buhok pa lang ay alam ko ng si Shiane iyon.

Muka ngang sineseryoso ni Lj si Shiane ngunit di ko magawang maging masaya, hindi ngayong nakukumpirma ko na ang nararamdaman ko kay Shiane. Iyon siguro ang kinukwento ni Shiane na nagpunta sila sa iba namang theme park. Sino kaya ang mas nakapagpasaya sakaniyang makasama sa isang theme park? Marahil ay si Lj dahil kahit na nagenjoy ako ay iniisip ko paring pangbata iyon. Baka si Lj ay hindi.

Nawawalan na ko ng gana mag browse at isasarado na sana ang laptop ko ng bigla iyong tumunog at lumabas ang pangalan ni Dad calling a videocall from Skype kaya naman agad kong sinagot iyon.

"Hi dad." simpleng bati ko ng agad kong makita siya.

"Oh you're so energetic son. Where did your energy came from i want some of it." sarkastikong bati ni dad.

"Dad, if you saw one of your friend posted a picture of a girl that is also your friend. What would you feel?" naitanong ko na lang. Kusa iyong nagmula sa aking isipan at puso kaya naman ayun na lang talaga ang nasabi ko.

"I would be greatful for them." sambit ni dad ngunit wala doon ang tono ng pag ka greatful na sinasabi niya. "Unless you love the girl that your friend's with then you will probably feel so jealous and/or sad." may tono ng panunukso niyang sabi. Pakiramdam ko ay sumasakit ang ulo sa mga bagay na pumapasok sa isip ko.

"When will you know that you love a girl?" at tumawa naman si dad na para bang isang biro ang tanong ko.

"Don't act as if this is your first time to fall inlove Son." tumatawa pa rin siya. "Listen to your heart and you will know." ngumiti siya sa akin. " Binata ka na talaga. Dati rati ay ang paguwi ko ang iniisip at tinatanong mo sa bawat pagtawag ko kung hindi man iyon ay ang pasulubong na dadalhin ko saiyo pag uwi ngunit iba na ngayon. Pagmamahal na ang iniisip at ginugusto ng puso mo. Tell me who is that lucky girl?"

"Dad do you remember Shiane?" i asked and he nodded "I never expect this. I am still confused if i love her or i just like her or what but i am so happy when i am with her, it is a different kind of happines dad e it's not the same happiness when i am with my friends and i don't know why i can differentiate it but that's how i feel. And Yesterday we go on a date and i didn't even get a chance to knew what time is it in that exact moment, all i ever feel is the time passed by so fast because i was so happy. I felt a stab in my chest everytime na babanggitin niya sa kwento niya ang kaibigan ko and now nakita kong pinost ni Lj ang picture niyang nakatalikod, i don't know dad i am not a foolish to not know that i am jelous." mahabang pagpapaliwanag ko.

"Shiane. She has a very beautiful name" my dad said like that is the most beautiful name he ever heard. He sighed first before talking seriously again. "I already told you before na wag mong sasayangin ang mga oras. If you felt so precious then cherish it. If someone makes you happy then make them happier. And if you heard her prayers, maybe you are God's instrument to fulfill those so you must so be it." and i was stuck.

"If i heard her prayer maybe i am God's intrument. I must so be it..." wala sa sariling pagulit ko.

"hmm" sagot ni dad at pareho kaming natahimik sandali.

You, Only YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon