Chapter 21

31 8 4
                                    

Ilang araw na rin ang nakalipas magmula nang makauwi na kaming lahat mula sa camping ngunit hanggang ngayon ay naalala ko parin ang bawat pangyayari. Hindi ako makapaniwala dahil ganon na lang kabilis ang mga pangyayari. Hindi ko matanggap na kung hindi ako nagpabulag sa takot ay baka ako ang nasa pwesto ni Lj.

Kaya pala ganon na lang sila magngitian at magtitigan, kapansin pansin ang saya at pagmamahal na pumapagitna sakanila dalawa. Kahit isang beses ay di ko naisip at nakita man lang na posibleng dumating at umabot ito dito. Na muli kong mararamdaman ang sakit dito sa puso ko sa palihim na paraan.

"We are in a relationship."

Parang muling naulit sa pandinig ko ang boses ni Lj nang sabihin niya iyon at naalala ko naman kung paano sila maglambingan sa harap naming lahat buong kagabi. Kaya pala ganon na lang ang kagustuhan ni Shiane na makasama si Lj ay dahil pala nasa isang relasyon na din sila.

Bakit ba hindi ko man lang na isip na posibleng mangyari iyon?

"Hijo" napabalik ako sa sariling pagiisip nang marinig ang boses ni manang na kumakatok sa aking kwarto. Tumayo ako para lumapit at pagbuksan siya.

"Bakit po manang?" sagot ko nang mabuksan ko na ang pintuan.

"May bisita ka." At pagkasabi niya noon nang may ngiti ay alam ko na agad na si Shiane iyon. Wala pang alam si manag kaya ganon na lang ang pagkakangiti niya.

"Paki sabi po manang na masama ang pakiramdam ko at umuwi na lang po siya. Ako na lang po ang pupunta sakaniya pag gusto ko." sambit ko kaya naman nawala ang ngiti ni Manang at tumango na lang. Muli kong sinarado ang pinto nang kwarto at lumapit ako sa isang dahilan kung bakit ayaw na ayaw kong may pumapasok na lang basta sa kwarto ko.

Hinawakan ko ang larawan ng mommy ko at paka titigan iyon. Sa mga kwento ni dad tungkol sa kaniya noon ay kakatuwang naalala ko si Shiane, may mangilan-ngilan kasing katangiang sinabi si dad na kagaya ng kay Shiane. Di malayong iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit ako tuluyang nahulog at napamahal sakaniya.

Parang kailan lang ay di ko pa matanggap ang presensiya niya ngunit ngayon ay heto ako at humihiling na sana ako ang nasa tabi niya.

"Dwaine, anak." kumakatok muli si manang sa pintuan nang kwarto ko kaya naman nagmamadali kong pinunasan ang mata kong naguumpisa na namang maluha.

"Pasok po kayo manang." sambit ko kaya naman nagulat si manang sa akin nang marinig iyon. Para bang hindi kapanipaniwalang magagawa ko iyon. Giniya ko siya na maupo sa mini sala sa kwarto ko at inalalayang makaupo.

"Bakit ayaw mong patuluyin si Shiane hijo?" tanong agad ni manang pagkaupo niya.

"Sila na po ni Lj." mapait na sambit ko at nakita ko nang matigilan din si manang na may parang nalilitong ekspresyon ang muka. "They're in a relationship." dagdag ko pa at naramdaman ko na naman ang paginit nang aking mga mata.

"Kailan pa?" yun lang nasabi ni manang, inaasahan kong sasabihin niyang sinabi niya sa akin noon na posibleng mangyari ito.

"Di ko po alam pero noong nasa camping po kame, doon po namin nalaman." sinabi ko yon nang dahan dahan dahil nararamdaman ko na naman ang kirot sa puso ko. Bakit nagiging ganto kasakit?

"hijo..." napansin siguro ni manang ang pamamasa nang aking mga mata kaya hindi niya malaman ang sasabihin sa akin.

"Manang bakit ba napakasakit magmahal?" at doon hindi ko na napigilan pa ang luha ko. "Noong una akong magmahal ay isiniwalat ko sa mundo iyon ngunit buong mundo rin ang nakasaksi nang pagbagsak ko noong panahon na maiwan ako." pinahiran ko ang luha ko habang naalala ang nangyari noon sa amin ni Odette. Napakasakit. "Ngayon naman po manang na kinimkim at sinarili ko iyon, pinilit ko pang pigilan ay naging napakasakit pa rin. Bakit po ganon? San po ba ako lulugar? paano po ba ang tamang pagmamahal?" at doon ko nasapo ang muka ko sa pagiyak. Pakinig na pakinig ko ang napakalalim na buntong hininga ni manang, batid kong nahihirapan din siya sa sitwasyon ko.

You, Only YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon