Chapter 6

58 12 5
                                    

I am now in the mall. Naghahanap ako ng maireregalo kay Seane mamaya dahil ngayon ang birthday celebration niya. Wala naman daw masyadong bisita siyang inimbita kundi kami kami lang ding magkakaibigan.


Hapon pa ang start noon kaya pagkakain ko ng lunch ay dumiretso na ko dito sa mall para pagkauwi ko ay maghahanda na lang ako papunta kanila Seane.


Sa ilang oras kong pagiikot sa mall ay naisipan kong regaluhan na lang si Seane ng isang Jordan 1 Mushroom Mid cut. Wala na akong maisip na ireregalo sakanya dahil mayaman din sila Seane at alam kong kahit na anong bagay ay kaya rin niyang bilhin. Alam kong may sabi sabi na kapag niregaluhan mo ng sapatos ang isang tao ay tanda daw iyon ng pag walk away niya sa buhay mo ngunit sa pagkakakilala ko sa mga kaibigan ko ay malabong mangyari iyon.


Pinabalot ko na din ang sapatos sa mall atsaka ako nagdrive na muli pauwi. Naligo na ako at nagayos. Humarap ako at sinuri ang sarili ko sa harap ng salamin. Ang suot ko ngayon ay isang simpleng Guess na White sweater na tinerno ko sa aking black na track pants from adidas naman. Pumasok ako sa walk-in Shoe room ko at naghanap ng sapatos na susuotin at makalipas ang ilang minutong pag suri sa mga sapatos ko ay napagdesisyunan kong suotin na lang ang All White Airmax 97 ko from Nike. Muli ko pa ulit sinuri ang kabuoan ko sa harap ng whole body na salamin ko bago pa tuluyang lumabas ng kwarto.


Pagkababa ko ay naubutan ko si manang na nanunuod ng balita sa aming Receiving Area.

"Manang alis na po ako. Bday po ngayon ni Seane." pagpaalam ko atsaka ko inabot ang regalo ko para kay Seane na ipinatong ko sa center table ng Receiving area.


Pag karating ko sa garahe namin ay nakita ko ang Black Ford Mustang ni Dad. Well i lowkey miss him.


10 minutes of driving ay nakarating ako kanila Seane. Nasa Gate pa lang ako rinig na ang Maingay na sound system na naka install sa may Garden nila at may mangilan ngilang lamesa pa ang nakakalat doon. Di ko inaasahan na magiging ganto karami ang tao ngayon dahil akala ko ay kami kami lang ang inimbitahan. Naglakad ako at nakasalubong ko ang mommy ni Seane.


"Hello po tita." bati ko dito at bumeso ako.


"Naanduon sila sa may unahan Dwaine puntahan mo na lang sila doon." sabi niya sabay turo sa gawing kaliwa kaya naman tumango ako at naglakad na muli siya papasok sa loob ng bahay nila. Kaya naman agad akong tumungo doon. Nakita ko naman agad sila.


"Happiest Birthday Dude!" Bati ko agad kay Seane at inabot ang regalo ko sakanya.


"Wow ha! Thank you Dwaine nagabala ka pa." sabi niya at ngumiti. Umalis siya sandali para ilagay ang regalo ko sa lamesang puno ng regalo at nakipagusap sandali sa iba pang bisita.


"Iba talaga pag La Cuesta. Kami ay walang regalo. Ikaw lang ang meron dude." salubong saken ni Jake kaya naman natawa na lang ako at binati na ang iba pa naming kaibigan na nasa table din na iyon.


"Ano ang regalo mong iyon?" tanong naman saken ni Pawn pagkaupo ko sa tabi niya.


You, Only YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon