Chapter 31

32 8 0
                                    

Shiane's POV


Hindi ko alam kung anong gagawin ko habang tinititigan ko si Dwaine na hinahaplos ang larawan ni Dad. Tunay na napakasaya niyang tignan sa larawan na iyon ngunit hindi ng nakangiting muka roon maalis ang sakit nabumabalot sa bawat puso namin.


Almost all my life i kept on searching for my dad, hoping that when we're finally successful ay babalik siya at ipaparamdam sa akin ang pakiramdam ng may buo at masayang pamilya ngunit hindi iyon ang nangyari. Narito at natagpuan ko nga siya ngunit wala naman nang hininga. My heart is so empty. My mind is full of confusion. Hanggang ngayon ay nalilito parin ako sa buong pagkatao ko dahil parang napakabilis nangyari ng lahat.


"Dwaine" pagtawag ko kay Dwaine atsaka ko hinakbang iyong pagitan naming dalawa. Lumuluha kong pinanuod siya habang nakangiti at nakatitig roon sa larawan. Ilang segundo pa muna ang lumipas atsaka lang niya ako nilingon. At nagulat naman ako ng makita kung gaano na kapula ang mga mata niya, siguro ay pinipigilan niyang lumuha.


"Shiane, our dad is so handsome when he is smiling right? Ang daming nagsasabi na para daw kaming pinag biyak na bunga." atsaka siya tumawa ng mahina. Nakikita ko ang mga ngiti niya ngunit tumatagos sa puso ko ang sakit na nararamdaman niya. Nilingon ko si mom nang marinig ko ang hikbi niya at naramdaman ko na lang ang paglapit sakaniya ni Dwaine.


"Mom stop crying please pag gising ni dad ay magagalit yon sakin dahil umiiyak ka ngayon. Dad loves you so much." nakangiti parin siya pero by this time ay may tumutulo ng luha mula sakaniyang mata. Para bang hindi niya nararamdaman ang pagtulo ng mga iyon dahil nakangiti lang siya at nagsasalita na parang casual lang ang lahat.


Ramdam na ramdam ko ang bigat at sakit sa kalooban ni Dwaine na dumadagdag at humahalo sa sakit na naririto sa buong pagkatao ko. Habang nakikita kong nakangiti siya ay mas lalong kumikorot ang puso ko. Kitang-kita ko kung paano niya pinipilit na magmukang matapang. Kitang kita at damang dama ko kung paano niya pilit itinatago ang lungkot sa pamamagitan ng mga ngiti niya ngunit tinatraydor naman siya ng mga mata niya dahil kusa iyong lumuluha.


"Son, your dad won't wake up anymore" tinig iyon ni mom habang umiiyak at unti unti namang naglaho iyong pekeng ngiti ni Dwaine. Nanghihina akong napaupo na lang habang pinapanuod sila. Sandali kong inikot ang paningin sa mga tao pang naroroon rin ngunit naibalik ko ang paningin ko kay Dwaine ng marinig ko ang boses ng kaibigan niya.


"Dude it's ok to cry it's normal pero wag mo naman na lokohin ang sarili mo. Ang sakit para sa akin na kaibigan mong makita kang ganiyan." Ani ni Pawn kay Dwaine habang may naluluha na ring mga mata. Nakatitig lang sakanila si Dwaine na para bang walang naiintindihan sa mga pinagsasabi niya. Walang emosyon ang buong muka niya ngunit patuloy lang na tumutulo ang mga luha niya.


"Dude naiintindihan ka namin. Alam namin ang pakiramdam at nandito lang kami para sayo" Atsaka marahang yumakap si Jake kay Dwaine na sinundan naman ni Pawn.


Hindi ko na napigilan pa ang hagulgol ko ng makita kong nanghihinang napaluhod si Dwaine habang nakayakap sakaniya ang mga kaibigan niya. Naroroon na din sila Seane at iba pa na nakayakap na rin kay Dwaine nang biglang may yumakap sa akin at nalingonan ko si Lj. Hinayaan ko na lang siyang gawin iyon sa akin dahil hindi ko maialis ang aking paningin kay Dwaine na ngayon ay nakaluhod na sa sahig habang umiiyak at yakap yakap ng mga kaibigan niya.

You, Only YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon