Chapter 26

34 8 1
                                    

I had a very peaceful day yesterday at napaka saya ng buong pagkatao ko na pinayagan ako ng mommy ni Shiane manligaw although until now ay iniisip ko padin kung saan ko siya nakita dahil parang napaka familiar niya sa akin.


Ngayon naman ay nagaayos ako dahil napagusapan namin ni Shiane na dito sa bahay magchill para na rin sa simpleng quality time. Balak ko sanang mag movie marathon na lang kami kaya naman kagabe, bago ako matulog ay nagbilin ako kay manang na magsabay ng mga chips and popcorn para pag nag movie marathon kami.


After finishing my routines ay bumaba na ako ng bahay. Di na ko nagulat nang pagpasok ko ng dinning room ay nandun na si Shiane at tumutulong kay manang mag prepare ng breakfast.


"Hi" pangaagaw ko sa atensyon nila.


"Oh you're there." bati sakin ni Shiane atsaka lumapit at bumeso. "Good morning!" masiglang dagdag niya pa.


"You're early as always. Konti na lang ay iisipin kong gustong gusto mo lang talaga akong makasama kaya napaka aga mo." biro ko sakaniya.


"Am i?" parang inosente pang tanong niya at nagkibit balikat lang ako bilang pagsagot.


"Manang sa Movie Area na po kame." pagpaalam ko kay manang.


"Sige hijo tatawagin ko na lang kayo doon kapag handa na ang makakain ." nakangiting sambit ni manang atsaka ko naman inakbayan si Shiane at giniya patungo sa aming movie room.


"What do you want to watch?" tanong ko kay Shiane habang sineset up ang TV namin.


"Do you have Suicide Squad there? That's my favorite." sagot niya sa akin at kaya naman iyon ang hinanap ko.


"bakit iyan ang gusto mo?" tanong ko sakaniya ng magumpisa na ang intro ng movie atsaka ako umupo sa tabi niya.


"I like how strong Harley Quinn is. She is so brave emotionally although not everyone may see it but no one can seize a moment like her. That's my opinion." seryosong sagot niya sa akin habang naka focus sa movie.


"Napanuod mo na ba yan at parang alam na alam mo na ah?"


"Yeah maraming beses na pero di naman ako nagsasawa because i love the movie and if you love something hinding hindi ka magsasawa roon." sagot niya at napangiti ako dahil para sa akin ay may laman ang sinasabi niya.


"That's why hindi ka rin nagsawa sa akin ha." panunukso ko sakaniya ang i saw her blushed. With just a light coming from the television and small pin lights which makes it too visible for me.


"You're blushing Shiane HAHAHAHA"


"Sssshhh" pagpapatahimik niya sa akin atsaka umaktong focus na focus sa movie kaya ginaya ko na lang din siya.


You, Only YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon