Chapter. 7

332 38 1
                                    

Jane POV

"Good morning" sabi ko habang nakaupo sa papag at nag-uunat

Tumayo na ako at inayos ang higaan ko. Binuksan ko ang dalawang bintana. Lumabas na ako ng kwarto at dumiretso sa palikuran.

Nag-simula na ako mag-linis ng katawan. Pagkatapos maligo ay nagsipilyo na ako habang nakatapis.

"Ang malagu mo talaga, Jane" ngiting sabi ko sa harap ng salamin

*malagu means maganda.

Bumalik na ako sa kwarto upang mag-bihis.

Fastforward.

Na matapos mag-bihis. Nag-lilinis ako sa kwarto ko. Habang nag-lilinis may nakita akong papel sa ilalim ng papag.

Kinuha ko naman ito at binasa.

Ang taba mo at sobrang baho pa ng utot mo.

"Nang-insulto pa" inis na sabi ko

"Hello, Jane my friend" ngiting sabi ni

Lumingon naman ako sa nag-salita.

Si Belle ang nag-salita, kasama niya sina Alice at Stella.

"Naiinis ako sa inyo" inis na sabi ko

"Teka! Ano na naman ba ang ginawa namin sa 'yo?" Takang tanong ni Stella

"Iniinsulto niyo ako"

"Kararating lang namin 'yan agad sasabihin mo" taas na kilay ni Stella

Kararating lang nila? Kung ganoon kanino ito galing? Parehas ang hand written kahapon.

"Tingnan niyo 'tong sulat" sabi ko sabay pakita kina Stella at Belle

Tiningnan ko si Alice.

"Ang ganda ng sulat" sabi ni Belle

Sulat ang pinansin niya.

"Ikaw ba ang iniinsulto nito?" Tanong ni Stella sa 'kin

"Ako nga"

"Baka si Lola During lang ang nag-sulat nito" sabi ni Belle

"Hindi si Lola"

"Paano mo nasabi?" Seryosong tanong ni Alice na hawak niya ang papel

"Hindi lang 'yan ang unang beses na makita ko ang sulat na kamay na 'yan" sabi ko

Kinuha ko ang papel na nakuha ko kahapon at pinakita sa kanila.

"Parehas nga" tukoy ni Alice sa dalawang sulat

"Hindi kaya may multo dito?" Takot na sabi ni Belle

"Imposible, sa tagal ko na nakatira at natutulog dito sa kwarto na ito. Kahapon lang nagparamdam" sabi ko

"Dalawang taon ka wala dito, kaya hindi mo masasabi" seryosong sabi ni Alice

Ngiti naman Alice.

May punto nga siya.

"Walang multo dito, nararamdam ko" sabi ko

"Saan galing 'to kung ganoon?" Tanong ni Alice na tinaas niya ang dalawang papel na hawak niya

"Sa Ilalim ng Papag" sabi ko sabay turo sa papag ko

"Hindi kaya may maligno dito" sabi ni Stella

Tiningnan ko naman siya ng masama.

"Biro lang" ngiting sabi niya

Sa Ilalim ng Papag ni LolaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon