Chapter. 30

340 32 0
                                        

Jane POV

Pitong buwan na ang nakalipas at sa pitong buwan na iyon madami na ang nangyari.

May diploma na ako sa Senior High.

Si Alice, Hindi na bumibisita dito sa bahay simula na umalis siya sa resort. Wala rin kami communication sa kanya. Tinatawagan, tine-text, kahit sa messenger at facebook walang paramdam. Hindi na rin siya umuuwi sa apartment na tinutuluyan nila ni Stella.

Si Ahron, nag-working student at wala siyang balita sa mag-ina niya. Ang sabi ng katulong doon sa bahay ni Ate Vikky, pumunta daw sina Ate Vikky at Viela sa ibang bansa. Pero walang sinabi kung saan ang eksakto na lugar. Gusto ni Ahron sundan ang mag-ina.

Si Thun, naman nabalitaan namin kina AC na nakulong siya. Dahil si Thun daw ang may pakana sa pagsunog sa dalawang kompanya ni Alice.

Si Reign, simula na umuwi kami dito galing sa resort. Hindi na nagpakita at hindi na rin nagpaparamdam. Kahit na kinakausap ko ang papag hindi naman ito gumagalaw.

"Matsura, ito pinya masustansya iyan" abot ni Lola sa 'kin agad ko naman ito inabot at kinagat

Nandito kami sa labas ng bahay at nakaupo sa upuan na may table.

"Jane" tawag ni....

Lumingon naman kami ni Lola.

Nakita ko na tumatakbo sina Stella at Belle. Na makarating sila agad naman sila umupo sa harap namin ni Lola at nilapag ang isang plastic.

"May dala kaming prutas at gulay" sabi ni Belle

"Salamat" sabi ko

"Kumain kayo ng pinya" yaya ni Lola kina Stella

Kumuha at kinain naman ito nila Belle.

"Kamusta na ang buntis?" Tanong ni Stella

Buntis ako at limang buwan na. Si Reign ang ama, sinabi ko na kina Lola at Stella na sino ang ama.

Tinanong nila sa 'kin kung paano ko daw nakilala si Reign.

Ang sabi ko accident lang ang nangyari.

"Ayos lang, hindi pa naman ako nahihirapan kumilos"

"Paano ang pag-aaral mo?" Tanong ni Belle

"Makakapag-aral naman ako, hindi pa naman gaano kalaki ang tiyan ko"

"Isang buwan na lang tapos na ang klase natin"

"2nd year na tayo sa pasukan" ngiting sabi ni Stella

"Sa Cavite na tayo magtatapos ng kolehiyo" sabi ni Belle

"Pag-igihan niyo ang pag-aaral niyo at huwag kayo susuko sa anumang pagsubok" sabi ni Lola

Nasaan na kaya si Reign? Anong nangyari? Papag na ba siya habang buhay? Hindi ko alam kung anong nangyari sa huling tao na nakausap at tinulungan ni Reign.

White bulb ba iyon o red bulb?

"Ayos ka lang ba Apo?" Alalang tanong ni Lola

"Natulala ka na naman" dagdag niyang sabi

"May iniisip lang po"

"Huwag ka mag-isip na mag-isip makakasama sa 'yo" sabi ni Lola

"Buntis ka pa naman" sabi ni Bella habang ngumunguya ng pinya

"Nitong mga nakaraang buwan wala ka sa sarili" sabi ni Lola

Sa Ilalim ng Papag ni LolaMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon