Chapter. 4

424 39 0
                                    

Jane POV

Nandito ako sa kwarto nakahiga pa rin.

Naaalala ko 'yong kanina.

Nakakahiya talaga.

Hiyang-hiya ako sa sarili ko.

Wala na akong mukhang maipapakita.

Pumunta ako sa kabinet at nag-palit ng damit.

Balak ko kausapin si Layne ko.

Inayos ko ang sarili ko at tumingin naman ako sa salamin.

Disguise ang outfit ko ngayon. Sikat na ako sa kahihiyan.

Dumaan ako sa bintana para makalabas ng bahay.

Mabuti na lang wala nakakita sa 'kin.

Lakad dito, lakad doon.

Nasaan kaya si Layne ko?

Habang nag-lalakad napadaan ako sa simbahan. Pumasok naman ako sa loob at humanap ng upuan.

Na maka-upo may isang lalaki at babae na naghaharutan.

Sa dinami-daming lugar dito pa ang pinili.

Parang familiar sa 'kin 'yong boy.

Lumipat naman ako ng upuan at doon ako pumuwesto sa gilid ng upuan nila.

Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko.

Na lingonin ko, Nakita ko si Layne na tumatawa sa katabi niyang babae.

Nakita ko na suot ng babae ang bracelet at necklace na kinuha niya sa'kin.

Kuripot.

Pinalit niya ako sa isang 'yan? Di hamak na mas maganda ako diyan.

Gusto ko sugurin silang dalawa kaso nga lang wala akong karapatan.

Nandito rin kasi ako sa loob ng simbahan.

Lumabas na ako sa simbahan at  pumunta ako sa apartment na tinitirahan nina Stella at Alice.

Na makarating ako sa harap ng apartment. Kumatok naman ako at si Stella ang nagbukas.

"Sino po sila?" Takang tanong ni Stella

"Hindi mo ako kilala?" Tanong ko

Ganoon pala ang pakiramdam kapag may disguise.

Hindi makilala.

"Magtatanong ba ako kung hindi ko kilala? Psh" taas na kilay sabi ni Stella

"Si Jane 'yan" biglang sabi ni Alice sa likod ni Stella

Ang lakas naman ng pakiramdam ni Alice.

"Ikaw ba 'yan? Sikat na sikat ka na" natatawang sabi ni Stella

"Ipaalala mo pa" inis na sabi ko

"Paano mo nalaman na ako 'to?" Tanong ko kay Alice

"Amoy champion" seryosong sabi ni Alice

Natawa naman si Stella.

Palibhasa champion na bareta ang gamit ko sa katawan, buhok at sa mga panlaba ng damit.

Atleast champion ako sa puso mo yieee.

"Loko to ah!" Inis na sabi ko kay Alice

Hindi man lang ngumiti.

Sa Ilalim ng Papag ni LolaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon