Jane POV
Nakapag-pahinga na rin.
Sobrang saya kahapon dahil ang dami namin ginawa. Kasali lahat pati si Lola.
Truth or dare- kapag hindi sinagot or ayaw gawin ang pinagawa o tinanong iinom ka ng alak.
Maiba taya- kung sino ang maunti na naiiba siya ang guguhitan sa mukha gamit ang pentel pen.
Langit lupa, bente uno, kwentuhan, kainan, harutan at landian sina Belle, Mhyro, Mama at Papa.Gabi na rin sila nakauwi at iisang sasakyan lang ang ginamit nila pinasabay ni Alice sina Mama sa van na sinakyan nila.
Simula na pala ang aming Oplan papag transform into human. Hahaha.
"Ano tumawag na ba si Alice?" Tanong ni Reign
"Paulit-ulit ang tanong mo at paulit-ulit din ang sagot ko na hindi pa"
Hinihintay kasi namin ang tawag ni Alice kung tuloy ba.
Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Alice.
"Pasensya na kung ngayon lang ako" sabi ni Alice
"Ayos lang" sabi ni Reign
"Buhatin na natin ang papag. May naghihintay na truck doon sa labas" sabi ni Alice
"Paano si Lola? Baka hanapin ako pati ang papag" tanong ko kay Alice
"Umalis ang Lola mo at panigurado Gabi pa ang uwi non"
"Sino ang kasama ni Lola? Saan siya pupunta?" tanong ko
"Kasama ni Lola During sina Stella at Belle inutusan ko sila na gumala. Bahala silang dalawa kung saan nila gustong pumunta. Ang sabi ko gusto mo isurprise si Lola During sa birthday niya at tutulungan kita"
Birthday ni Lola? Sa July na iyon.
"Paano hindi naman iyon ang inaasikaso natin?" Tanong ko
"Ako ang bahala sa surprise sa birthday ni Lola During. Basta ngayon ang asikasuhin muna natin itong mission natin"
"Oplan" sabi ko
"Ha?" Takang sabi ni Alice
"Oplan papag transform into human"
Nakita ko na kumunot ang noo ni Reign.
Pangit ba iyong inisip ko?
Binuhat na namin ni Alice ang papag at nakasunod naman si Reign.
Hindi man lang tumulong sa pagbuhat. Ungentleman.
Hanggang makarating kami sa labas at tinulungan kami ng isang lalaki sa pagpasok sa loob. Pumasok na rin kami sa loob ng truck at umandar na ang truck.
"Ang init dito" reklamo ko
"Huwag kang mag-reklamo dahil hindi bagay sa 'yo" sabi ni Reign
"Aba! Hindi porket hindi kami mayaman bawal na mag-reklamo"
Hindi pinansin ni Reign ang sinabi ko .
Tumingin naman ako kay Alice na may hawak na maliit na elisi.
"Sino ang una nating pupuntahan?" Tanong ni Reign
"Si Maica Sky Razmella, isa mga girlfriends mo" sagot ni Alice
"Alice, alam ba ng driver kung saan tayo pupunta?" Tanong ko
Mahirap na baka gasahin kami.
"Oo, huwag ka mag-alala makapag-kakatiwalaan siya" tukoy ni Alice sa driver ng truck
BINABASA MO ANG
Sa Ilalim ng Papag ni Lola
Подростковая литература[Under Revision] J. B. S. A. E Series #1 Jane Monteverde lumaki sa probinsya. Masayahin, makulit at sobrang saya kapag kasama. Ano na lang ang mangyayari kapag may nakilala siyang kakaiba? Paano kung ang isang bagay ay pinagkatiwala ng kanyang Lola...