Chapter. 2

621 44 0
                                    

Jane POV

Habang kumakain.

"Jane" tawag sa 'kin ni Papa

"Papa" sabi ko

"Wala na daw kayo ni Layne" sabi ni Papa

Ngumiti naman sina Mhyro at Ahron.

Sige Papa, ipaalala mo pa sa 'kin.

"Kailangan ba talaga ipaalala mo sa 'kin? Papa" ngusong sabi ko

"Oo" sagot ni Papa

"Para magising ka sa katotohanan na kailanman ay hindi ka niya minahal" dagdag na sabi ni Papa

Pinag-mumukha talaga sa'kin ni Papa iyon.

"Hindi 'yong umaasa ka sa wala" seryosong sabi ni Mhyro

"Hindi 'yong pinagpipilitan mo na iyo siya, pero hindi naman talaga" ngising sabi ni Ahron

"Hindi 'yong humahabol ka sa kanya" seryosong sabi ni Mama

Pinag-tutulungan na naman nila ako.

"Hindi ko hinahabol si Layne" sabi ko

"Ang sabi ni Aling Bebang na ikaw daw ang humahabol kay Layne" sabi ni Ahron

Si Aling Bebang na tabingi ang ulo. Wala ginawang iba kundi ang pag-chismisan ako.

"Hindi ko hinahabol si Layne, siya 'tong humahabol sa ganda ko" mataray na sabi ko sabay flip ng hair

"Ano ba 'yan Ate? May tumalsik na kuto sa pinag-kainan ko" inis na sabi ni Mhyro

Tiningnan ko sa plato ni Mhyro.

May kuto nga.

Bumalik na ulit kami sa pagkain.

Pagkatapos kumain dumiresto na ako sa kama at humiga.

Nakatingin ako ngayon sa kisame.

Kisame wala pala kaming kisame.
Take 2.

Nakatingin ako ngayon sa mga web.

Taray English 'yon hahaha.

Napansin ko na may parang tumutulo.

Umuulan ba? Hinanap ko kung saan 'yong tumutulo.

Mga ilang segundo sa pag-hahanap wala naman ako nakita.

"Mama" sigaw ko habang nakahiga

"Ano?" Sigaw ni Mama

"Umuulan ba?"

"Hindi" sagot ni Mama

"Bakit mo na itanong?" Tanong sa 'kin ni Mama

"May tumutulo po"

"Pumunta ka sa C. R at tingnan mo 'yong tumutulo" utos sa 'kin ni Mama

Tumayo naman ako at pumunta sa C.R.

Tiningnan ko ang bubong sa C. R wala naman tumutulo.

Wala naman dito 'yong tumutulo.

Naramdaman ko na parang basa yong short ko.

Kinapa ko naman ang pwetan ko.

Basa nga.

Inamoy ko naman 'yon.

Pucha malansa.

Dali-dali ko tinignan ang panty ko.

Sa Ilalim ng Papag ni LolaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon