Chapter. 20

242 32 0
                                    

Jane POV

Naramdaman ko na may kumukulbit sa 'kin.

"Hmm" ungol ko habang natutulog

"Gising na, aalis pa tayo"

Agad ko minulat ang mata ko at tumayo.  Nakita ko nakatayo sa tabi ng papag si Reign.

Kamusta kaya ang itsura ko?

Tiningnan ko ang orasan.

6:15 am.

Shit.

Dali-dali ako kumuha ng masusuot at dumiretso nasa palikuran. Naglinis ng katawan at ng tooth brush.

Nagbihis na rin ako sa loob mismo. Lumabas ng palikuran. Habang naglalakad papunta sa kusina sinusuklay ko naman ang buhok ko.

Na makarating sa kusina. Kumain ako ng limang putok na binili ni Lola kahapon.

Pumunta ako sa kwarto ni Lola para tingnan kung nandoon siya.

Umalis na si Lola.

"Ayos ka na ba?" Tanong ni

Lumingon naman ako kung sino.

"Alice"

"Buhatin na natin ang papag" sabi ni Alice

Pumunta na kami sa kwarto at nakita namin si Reign na nakaupo sa papag.

"Bubuhatin na namin itong papag kaya umalis ka muna" sabi ko

Tumayo na si Reign at tulong kami sa pagbuhat ni Alice ng papag palabas ng kwarto. Habang buhat namin ni Alice kasunod naman si Reign.

Na makalabas na kami sa bahay tulong kami sa pag-lagay sa taas ng van.

Pumasok ako sa bahay para isarado ang bintana at pinto. Pagkatapos lumabas na ako at sumakay na rin sa van.

Napansin ko na si Alice ang nasa driver seat.

"Ikaw ang mag-mamaneho?" Takang tanong ko

"Oo, Bakit may problema?"

"Wala" sabi ko

Nakita ko na pasimple natawa si Reign.

Naka-van kami pero kaming tatlo lang ang nandito.

Siniko ko naman si Reign.

"Walang nakakatawa" sabi ko

"Hindi mo sinagot iyong tinanong ko kahapon"

Alin doon?

"Na bakit ako ang first kiss mo?"

"Bakit ka tumugon sa halik ko?"

Napalunok naman ako. Tumingin ako kay Alice na seryoso nagmamaneho.

"Baka marinig ka ni Alice" sabi ko

"Ano naman kung marinig niya?" Ngising sabi niya

"Sagutin mo ang tanong ko"

"Kapag hindi ka sumagot sa tanong ko, hinding-hindi ako mag-dadalawang isip na hindi ka palakarin sa sobrang sakit at sarap" bulong ni Reign sa tenga ko

Napalunok ulit ako sa kaba.

Edi hindi ko sasagutin ang tanong para iparanas mo sa 'kin ang hindi makalakad dahil sa sakit at sa sarap. Hahahaha.

"Sasagot ka o sisimulan ko na ang sakit at sarap"

Dito? Seryoso? Nandito si Alice.

Sa Ilalim ng Papag ni LolaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon