Chapter. 1

861 44 0
                                    

Timeline: 2020

Jane POV

Nandito ako ngayon sa bahay, Nasa kwarto.

Kasama ko ang mga damit ko. Sila kasi ang nakakasama ko kapag wala ang mga magulang ko.

Minsan kapag boring kukuha ako ng gunting at gugupitin ko, tapos tatahiin ko para hindi ako ma-boring sa buhay ko.

Gano'n lagi ang ginagawa ko.

Kaya "lagi" kasi lagi naman ako boring.

Paano ba naman hindi ako pumapasok sa iskwelahan. Dahil kulang kami sa pera. Pero ang mga kapatid ko nakakapag-aral so unfair naman.

Wala rin akong cellphone.
Wala rin akong friend, charot my friend pala ako.

Buhay nga naman.

Habang nag-tatahi ng damit.

Na biglang may...

Tok tok tok

Nang marinig ko 'yon ay dali-dali naman ako pumunta.

Sino kaya 'to?

Binuksan ko ang pinto. Na may impakto akong nakita.

"Layne ko" gulat kong sabi

Boyfriend ko pala 'yong kumakatok hahaha.

Boyfriend? Hindi ko na pala siya boyfriend huhuhu.

"Akin na" sabi niya

"Ang alin?" Takang tanong ko

"Iyong mga binigay ko sa 'yo" seryosong sabi niya

"Binigay?"

"Oo" Layne

"Pero..." hindi pa ako tapos magsalita

Na biglang mag-salita siya.

"Akin na 'yong mga niregalo ko sa 'yo"

Ang mga tinutukoy niya 'yong regalo bigay niya sa 'kin.

Monthsarry at Birthday.

"Bakit ko naman ibibigay sa 'yo?" Tanong ko

"Bakit sa 'yo ba 'yon?" Tanong niya sa 'kin

Bakit niya ba binabawi sa 'kin gagamitin niya ba 'yon?

Hindi kaya na bading na siya?

Bracelet at necklace naman 'yon, kanino naman niya ibibigay 'yon?

"Akin 'yon"

"Sa'yo? Nagpapatawa ka ba ha?" natatawang sabi ni Layne

Ano ba nagustuhan ko dito?

"Regalo mo sa 'kin 'yon"

"Matanong kita, Bakit kita binibigyan ng regalo?" Layne

"Dahil girlfriend mo ako"

"Girlfriend? Girlfriend ba sa tingin mo ang ginagawa natin hahaha?" Layne

Bakit? Ano ang sa tingin niya naglalaro lang kami? Palibhasa hindi niya ako minahal.

"Hindi ba?"

"Bahala kung ano ang isipin mo. Basta ibalik mo sa 'kin lahat na niregalo ko sa 'yo" Layne

Dalawang piraso lang naman 'yon.

"Layne ko"

"Tigilan mo nga katatawag ng Layne ko dahil hindi ako sa 'yo"

Sa Ilalim ng Papag ni LolaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon