Chapter. 10

325 39 0
                                    

Jane POV

"Anong nangyari sa itsura mo? Apo" tanong ni Lola na makita ako

Nandito ako sa labas nag-wawalis ng mga tuyong dahon.

"Ang laki ng eye bags mo" dagdag na sabi ni Lola

"Malapit na po kasi ang pasukan, excited na po ako" dahilan ko

Hindi ako makatulog sa kakaisip ng sulat na iyon.

Ingatan mo daw ako sabi ng Lola mo.

May engkanto ba sa ilalim ng papag ko? May multo ba sa ilalim ng papag ko?

"Maliligo muna ako sa palikuran" paalam ni Lola

"Sige po, Lola"

Lumakad na palayo si Lola at tinuloy ko na ang pag-wawalis. Nag-dilig din ako ng mga bulaklak, mga gulay at prutas.

"Jane" tawag sa 'kin ni

Tumingin naman ako sa likod ko. Nandoon si Alice nakatay, may hawak na malalaking plastic at bag na nasa likod niya.

Nag-layas ba siya?

"Alice"

Inalis niya ang bag na nasa likod niya at inabot sa 'kin. Tinanggap ko naman nito.

Binuksan ko ang bag nakita ko na panay libro ang laman.

"Aralin mo 'yang lahat" sabi ni Alice

Tumango naman ako bilang sagot.

Nilapag niya sa lamesa ang malaking plastic.

"Kanino 'yan?" Takang tanong ko

"Sa 'yo" sabi ni Alice

Sa'kin?

"Mga school supplies 'yan at 'yong hawak mong bag 'yan ang gagamitin mo" dagdag niyang sabi

Paniguradong mahal ito.

"Hindi mo dapat ako binili na ganito"

"Ayaw mo?" Seryosong tanong ni Alice

"Gusto"

"Iyon naman pala huwag ka na mag-inarte" masungit na sabi ni Alice

Nilapag ko ang bag sa lamesa at tiningnan ang malaking plastic.

Ang daming notebook, pati ballpen iba-iba ang brand, may mga scientific calculator, ruler at madami pa. May napansin akong box na may tatak na cellphone, hinawakan ko naman ito.

"Akin 'tong cellphone?"

"Ano sa tingin mo? Nilagay ko lang 'yan at pinakita ko sa 'yo para maingit ka tsk" sabi ni Alice

"Hindi ako marunong nito"

"Tuturuan kita, problema ba 'yon" sabi ni Alice

"Nandiyan na 'yong cellphone number namin nina Belle, Stella, pati sa Papa mo, Mama mo, Mhyro at Ahron" dagdag niyang sabi

"May cellphone si Stella?" Takang tanong ko

"Binigay ko"

"Salamat Alice" ngiting sabi ko

Ngumiti naman siya.

"Maupo ka" sabi ko

Umupo naman si Alice.

"Gusto mo ba ng tubig?"

Wala kasi kaming juice di bale na lang kapag pumunta kami sa palengke bibili ako ng juice para kay Alice.

Sa Ilalim ng Papag ni LolaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon