Chapter. 22

248 36 0
                                    

Jane POV

Nandito na kami ngayon sa loob ng bahay at katatapos lang namin ibaba at  buhatin ang papag sa taas ng van. Nilagay muna namin ang papag sa sala.

"Salamat Alice" ngiting sabi ko

"Sa Cavite tayo bukas, 7'o clock pa rin ang alis natin" sabi ni Alice

"May pasok tayo bukas" sabi ko

"Shit! Nakalimutan ko" sabi ni Alice

"Sa weekends na lang tayo pumunta" dagdag na sabi ni Alice

"Pwede naman sa uwian niyo" sabi ni Reign

"May aasikasuhin pa akong business pag-uwian na" sabi ni Alice

Business na naman. Hindi ba uso kay Alice ang salitang pahinga.

"Aalis na ako, sabay na tayo bukas Jane" sabi ni Alice

"Sige"

"Alam mo na 'yong schedule natin?" Tanong ni Alice

"Oo, inabot sa 'kin ni Lola"

Ngumiti naman si Alice at sumakay na sa van. Pinaandar na niya. Tumingin ako sa tabi ko kung saan naka-pwesto si Reign.

Nasaan na iyon?

Pumunta na ako sa kwarto.

Wala si Reign.

Bumalik ako sa sala.

"Nasa ilalim ng papag ka ba Reign?"

"Tulungan mo ako buhatin itong papag dalhin natin sa kwarto"

"Uyy ano ba Reign"

"Lumabas ka na diyan"

Ilang segundo ay lumabas na si Reign sa ilalim ng papag.

Tulong kami sa pagbuhat ng papag papunta sa kwarto.

Nilapag na namin at umupo ako sa papag. Nagpahinga ng ilang minuto.

"Dapat kasi binuhat niyo na ni Alice papunta dito" sabi ni Reign

"Maawa ka naman kay Alice halatang pagod iyong tao sa pagmamaneho at sa pagbuhat ng papag kanina"

"Magpasalamat ka nga at tinutulungan tayo"

"May business pa inaasikaso iyon"

Hindi kumibo si Reign at tumabi sa 'kin sa pag-upo.

Tiningnan ko kung anong oras na.

3:17 pm.

Pauwi na kaya si Lola? 5'o clock pa pala ang uwi ni Lola.

Tinawagan ko naman si Stella.

Bold (ako) Italic (Stella)

"Jane"

"Kamusta sa reunion?"

"Ang saya dito kahit na matatanda na sila marunong pa rin sila sumayaw, mag-laro at iba pa"

"Mukhang masaya nga"

"Dapat sumama ka"

"May ginagawa kami ni Alice"

"Oo nga pala"

"Kamusta na iyong inaasikaso ninyo ni Alice?"

"Hindi pa kami tapos"

Sa Ilalim ng Papag ni LolaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon