Chapter. 11

308 38 1
                                    

Jane POV

Gabi na at tapos na kami mag-hapunan ni Lola. Nasa kanyang-kanya kaming kwarto. Nakasarado na ang bintana at pinto sa lahat ng bahay namin.

Heto ako nakahiga sa papag at kinakabahan.

"Gusto ko sagutin mo ang mga tanong ko" sabi ko kay Pag

"Sino ka?"

"Anong ginagawa mo dito?"

"Saan ka galing?"

"Anong kailangan mo sa 'kin?"

"Masamang nilalang ka ba?"

"Tao ka ba?"

"Sumagot ka"

Naghintay ako ng limang oras para tingnan ang ilalim ng papag. Lumipas ang limang oras tiningnan ang ilalim ng papag.

May sulat.

Wala kang pakialam.

Naiinis na talaga ako sa kanya.

Umupo ako sa papag.

"Sagutin mo ang mga tanong ko"

"Kapag hindi ka sumagot sa mga tanong ko, hinding-hindi ako mag-dadalawang isip na gawin kang pang-gatong"

"Sasagot ka o sasagot ka?"

"Bukas na kita gagawin pang-gatong"

"Ano naman kung binilin ka ni Lola sa 'kin na ingatan ka? Ako pa rin ang magdedesisyon"

"Kung wala akong pakialam, mas lalo kang walang pakialam dahil gagawin talaga kitang..."

Hindi ko natapos ang sasabihin ko na gumagalaw ang papag.

Lumilindol ba?

Mahigpit ang kapit ko sa magkabilang gilid ng papag.

"Hindi ako natatakot sa 'yo"

"Ikaw ang matakot sa 'kin"

"Dahil hawak ko ang buhay mo"

Mas lalong bumilis ang paggalaw ng papag.

Huwag ka matatakot Jane. Kaya mo 'yan.

Ilang minuto ang lumipas tumigil na sa paggalaw ang papag.

Dahan-dahan naman ako tumayo at umupo sa tapat ng ilalim ng papag. Nakita ko na tatlong papel agad ko kinuha ang isang sulat at binasa.

Unang sulat.

Sasagutin ko ang lahat ng mga tanong mo. Basta huwag mo akong gagawin na pang-gatong.

Hahaha natakot siya.

Pangalawang sulat.

Dito ako nakatira sa papag. Hindi ako masamang nilalang. Tao ako katulad mo. Hindi ko alam kung bakit naging ganito ako.

Nagising na lang ako na may kakaiba sa 'kin. Nagising ako na parang hindi ako makagalaw, makakita, magkapag-salita at makatayo. Tanging pandinig ko lang ang nagagawa ko

Tao siya katulad ko?

Pangatlong sulat.

Kailangan ko ng tulong mo. Gusto ko na umuwi sa 'min. Tulungan mo ako para bumalik ako sa dati.

Paano?

Tumayo naman ako at kinuha ang box kung saan ko nilalagay ang iba pang sulat at sinama ko ito.

Sa Ilalim ng Papag ni LolaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon