Chapter. 24

238 34 0
                                    

Jane POV

Tatlong linggo na ang nakalipas na magsimula ang klase.

Panay lecture, quiz, activities, reporting lang kami.

Bihira lang ang recitation.

Kapag uwian na nagbabasa naman ako ng libro na binigay ni Alice tulungan kami ni Reign.

Simula na eksena noong nasabi ko sa kanya na mahal ko siya.

Hindi nagbago ang ugali niya pero masasabi ko na may care siya sa 'kin.

Naging open kami sa isa't isa.

Ang dami kong nalaman sa kanya at madami rin siya nalaman sa 'kin. Nabanggit ko din iyong kahihiyan ko sa Cavite at iyong tungkol sa 'min ni Layne.

Si Alice pala iyong dahilan kung bakit siya naging chickboy.

Si Reign ang dahilan kung bakit naghiwalay sina Alice at Kuya Cloudy.

Nabalitaan namin ni Reign kay Alice na successful ang operasyon ni Vien. Gusto nga niya makita at magpasalamat kay Riegn.

Nakapag-pasalamat na nga siya, gusto ulit magpasalamat.

Ang una namin pinuntahan dito sa Cavite ay si Reizel Kate Morales isa sa mga girlfriends ni Reign.

Bumawi si Reign sa pamamagitan ng pampa-aral at bigyan ng scholar ang kapatid ni Kate, iyon ang sinabi ni Kate mismo.

Ang pangalawa namin pinuntahan ay si Friiya Mielle Pasion. Ang paraan para makabawi si Reign ay ibalik ang kompanya na kinuha ng pamilya ni Reign.

Score board:

White Bulb- 6
Red Bulb- 2

Nandito kami ngayon sa loob ng bahay nila Reign. Iyong papag nandito rin sa loob.

Dinahilan ni Reign na mahalaga at kailangan niya raw ingatan ang papag.

Hindi na tinanong ng parents ni Reign kung bakit.

"Umuwi na tayo" bulong ni Alice

"Mamaya na, miss na miss ni Reign ang pamilya niya" sabi ko habang nakatingin kina Reign na kasama niya sina Tita Weather at Summer

"Nandito ka pala Alice" sabi ni

Tumayo kami ni Alice at tumingin kay Kuya Cloudy.

"Anong gagawin ko? Aalis na ba ako? Sabihin mo lang" sabi ni Alice

"Hindi ka pa rin nagbago" ngising sabi ni Kuya Cloudy

"Hindi ka rin nagbago pangit ka pa rin" seryosong sabi ni Alice

Joke ba iyon? Ang gwapo niya besh.

Napatingin naman ako kay Reign na nahuli ko siya na nakatingin sa 'kin.

Ang sama tumingin.

Napasimangot naman ako.

Wala naman akong ginawang masama.

Tumingin ako kay Kuya Cloudy.

Na nakatingin sa 'kin.

"Ikaw si?" Ngiting tanong ni Kuya Cloudy

Magsasalita na sana ako na may nagsalita at may umakbay sa 'kin.

Napatingin naman ako kung sino.

"Siya si Jane Monteverde ang girlfriend ko" ngiting sabi ni Reign

Bigla natuyo ang lalamunan ko sa sinabi niya.

"Isa ba siya sa mga girlfriends mo?" Tanong ni Kuya Cloudy

Sa Ilalim ng Papag ni LolaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon