Chapter. 25

271 33 0
                                        

Reign POV

"Huwag po kayong mag-alala gagawin ko po ang lahat para bigyan siya na maayos at kumpletong pamilya kung ako nga po ang mapa-papangasawa niya"

"Hinding-hindi ako magsasawa na mahalin siya kahit sa dulo ng langit"

Napangiti naman ako na marinig ko ang sinabi ni Jane.

Hindi ako nagkamali na minahal ko siya.

"Paano ba iyan handa na ako maging asawa ka" ngising sabi ko

Tumingin naman sina Mommy at Jane.

"Paano ako, hindi pa ako handa?" Ngsing sabi ni Jane

"Maging handa ka na lang later"

"Bakit anong mayroon sa later?" Takang tanong ni Jane

"Pwede ba kumain na tayo, nagugutom na ako" biglang sabi ni Alice

"Mabuti pa nga" sabi ni Mom

Tumayo na sina Mom, Summer at Jane. Nauna sina Mom at Summer pumunta sa kusina habang kaming tatlo nina Alice at Jane ay binuhat ang papag papunta sa kusina.

Umupo na kami sa silya at nag-umpisa na kumain.

"Summer, tawagin mo si Kuya Cloudy sabihin mo kakain na ka mo" utos ni Mom

Tumayo at lumakad na palayo si Summer.

"Dito na kayo matulog mamayang gabi" sabi ni Mom

"Pasensya na po Tita, pero kailangan na po kasi namin umuwi" sabi ni Jane

"Uuwi na po kami pagkatapos kumain" sabi ko

"Bakit?" Takang sabi ni Mom

Dahil papag na ulit ako mamaya.

"May pupuntahan pa po kasi kami" sabi ni Jane

"Ganoon ba, napaka-importante yata ng pupuntahan niyo at kailangan niyo agad umalis" sabi ni Mom

"Pasensya na po, Mom" sabi ko

Dumating na sina Summer at Kuya. Umupo at nagsimula na rin sila kumain.

Tiningnan ko si Kuya na pasimple tumitingin kay Alice. Habang si Alice naman ay patuloy lang sa pagkain.

Akala ko talaga ako ang dahilan kung bakit sila nag-hiwalay, iyon naman pala dahil kay Kuya nagloko siya kaya nasira ang relasyon nila.

Tumingin naman ako kay Alice.

Pero curious ako, Anong nangyari na makita ni Alice ang picture na pinadala ko?

Natapos na kami sa pagkain. At ngayon ay nandito kami sa sala nakaupo sa sofa. Dinala namin ang papag dito.

Nakita ko na tumayo si Alice senyales na aalis na kami. Tumayo na rin kami ni Jane.

"Alis na po kami, Tita" paalam ni Alice

"Mag-iingat kayo" ngiting sabi ni Mom

"Ihatid na kita" sabi ni Kuya na tumayo siya

"Hindi na, kaya ko naman na wala ka" seryosong sabi ni Alice

Nauna na lumabas si Alice palabas ng bahay.

"Hangsakit" bulong ni Jane

"Sa kwarto na po ako, Mom" sabi ni Kuya

Hindi na hinintay ni Kuya magsalita si Mom na tumalikod at nagsimula na maglakad paakyat ng hagdan.

Sa Ilalim ng Papag ni LolaMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon