Chapter. 8

327 39 0
                                    

Jane POV

Nakarating na rin kami sa ilog. Dala-dala ko ang mga labahin ko.

Nagtampisaw na sina Stella at Bella sa ilog habang si Alice nanonood sa kanilang dalawa.

Akala ko ba ay tutulungan nila ako?

Sinimulan ko na ang paglalaba. Napansin ko na tumayo at lumayo si Alice at parang may kausap sa cellphone.

"Stella at Belle" tawag ko sa kanila

Lumingon naman sila sa 'kin.

"Akala ko ba ay tutulungan niyo ako?" Tanong ko

"Akala mo lang 'yon" ngiting sabi ni Belle

"Umalis na nga kayo dito" inis na sabi ko

"Pinaasa niyo lang ako" dagdag kong sabi

"May sinabi ba kami na umasa ka?" Taas na kilay sabi ni Stella

"Huwag ka aasa na magugustuhan ka din ng crush mo" sabi ko

"Umaasa ba ako?" Tanong ni Stella

"Tumigil na nga kayo, nakakahiya ang ginagawa niyo" biglang sabi ni Alice habang nakatayo

Ginala naman namin ang paningin namin kung may tao ba.

Kaming apat lang naman ang nandito.

"Kanino ka nahihiya?" Tanong ko kay Alice

"Sa mga isda" sagot ni Alice

"Hahahahaha" natawa naman kaming tatlo nina Stella, Belle at ako

"Walang nakakatawa may mga tenga din ang mga isda" sabi ni Alice

"Walang tenga ang isda sadyang malakas lang talaga ang pakiramdam nila" natatawang sabi ni Stella

"Hahahaha"

"Multuhin sana kayo nina Ninang Maine at Ninang Henz" sabi ni Alice sabay talikod

Tumigil na kami sa kakatawa.

Lumapit naman sina Belle at Stella sa pwesto ko at tinulungan ako mag-laba.

Si Belle ang nag-babanlaw.

Kaming dalawa ni Stella nag-kukusot.

"Napikon si Alice" sabi ni Belle

"Alice, hindi ka ba tutulong mag-laba dito?" Tanong ko

Hindi man lang lumingon. Nakaupo si Alice sa ilalim ng puno at nag-soundtrip.

"Hindi marunong mag-laba si Alice" sabi ni Stella

"Paano mo na sabi?" tanong ni Belle

"Magkakasama kami sa iisang apartment doon sa Cavite, kaya alam ko na hindi siya marunong mag-laba" sabi ni Stella

"Ibig sabihin ikaw ang nag-lalaba sa mga damit niya?" Takang tanong ko

"Ginawa mo pa akong katulong" inis na sabi ni Stella

"Syempre hindi" dagdag na sabi ni Stella

"Sino nag-lalaba ng mga damit niya?" Tanong ko

"Meroon siya kinuha na taga-laba" sabi ni Stella

Labandera 'yon di ba?

"Iyong mga damit mo. Sino nag-lalaba? Ikaw?" Tanong ni Belle

Sa Ilalim ng Papag ni LolaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon