Jane POV
Nakauwi na kami ngayon sa bahay. Ngayon ay nakahiga ako sa papag habang si Reign ay nakaupo sa silya kung saan kaharap ng papag.
Mabuti at wala pa si Lola.
Nakita ko na ng vibrate ang cellphone ko. Agad ko naman ito kinuha at tingnan.
Umupo ako sa papag.
Alice in the wonderland
7'o clock am ang alis natin bukas. Dadaanan ko na lang kayo. May pupuntahan din si Lola During reunion nila bukas mag-hapon iyon kasama niya sina Stella at Belle.
Dapat pagkarating ko diyan nakaayos ka na.
~~~
Tumingin ako kay Reign na abala sa pagbabasa ng libro.
"7'o clock am daw tayo bukas"
"Ang aga naman" sabi ni Reign na tumingin siya sa 'kin
"Ayon ang sabi" sabi ko
"Hindi ka pa ba tao ng oras na iyon" tanong ko sa kanya
"Tao na, pagsapit ng 12:00 am tao na ako" sabi ni Reign na bumalik na siya sa pagbabasa
"Matsura"
Si Lola.
Tumigil na si Reign sa pagbabasa at tumayo na rin ako.
"Bumalik ka na sa papag" utos ko kay Reign
"Huwag mo ako utusan" inis na sabi niya
Sungit.
Binaba na ni Reign ang libro na hawak niya at pumunta sa ilalim ng papag.
"Matsura" tawag ni Lola
Tiningnan ko naman ang ilalim ng papag kung saan pumunta si Reign.
Nawala na siya. Ang galing parang magic.
"Apo, tinatawag kita" sabi ni Lola
Lumingon naman ako kay Lola na nasa pinto at may hawak ng plastic.
"Pasensya na po, may hinahanap lang po ako Lola" dahilan ko
Binigay ni Lola sa 'kin ang plastic na hawak niya.
Tinggap ko naman ito. Agad ko tingnan ang laman.
"Keychain" sabi ko
Ang laki ng plastic pero isa at maliit lang ang laman.
"Maganda di ba? Alam ko kasi na mahilig ka sa keychain kaya iyan ang binili ko"
"Salamat po Lola" ngiting sabi ko
"Huwag ka na magluto ng hapunan kasi may dala na akong kanin at ulam na binili ko sa karinderya"
"Sige po, Lola" sabi ko
"Magpahinga na po muna kayo" dagdag kong sabi
"Magpapahinga muna ako"
Lumakad na si Lola at sinarado ko na ang pinto.
Pagkaharap ko sa papag nakita ko si Reign na nakaupo.
"Nakakagulat ka naman" sabi ko
Napangiti naman si Reign. Tiningnan niya kung anong oras na.
"Malapit na ang 5:00 pm" sabi niya
Tumungin naman ako sa orasan.
4:55 pm.
BINABASA MO ANG
Sa Ilalim ng Papag ni Lola
Подростковая литература[Under Revision] J. B. S. A. E Series #1 Jane Monteverde lumaki sa probinsya. Masayahin, makulit at sobrang saya kapag kasama. Ano na lang ang mangyayari kapag may nakilala siyang kakaiba? Paano kung ang isang bagay ay pinagkatiwala ng kanyang Lola...