Chapter. 28

254 31 0
                                    

WARNING: CONTAINS MATURED SCENES AND EFFECTS.

Jane POV

Nandito kami lahat sa resort dito gaganapin ang kaarawan ni Lola.

"Masayang-masaya si Lola During" ngiting sabi ni Belle habang nakatingin kay Lola kasama sina Mama

"Ang galing ng set-up ng surprise niyo kanina, Jane" sabi ni Stella

Hindi naman ako kumibo.

Sinur-prise kasi namin si Lola bago pumasok sa resort. Ang ganda ng set-up, hindi lang ganda kundi sobrang ganda.

Tumingin ako kay Alice na ngayon ay may kausap sa cellphone.

Akalain mo may nagawa ka palang ganito para kay Lola kahit na madami kang ginagawa sa business, may pasok pa tayo sa school at tinutulungan mo pa kami ni Reign.

Lumapit na si Alice at umupo sa tabi ko.

"Alice" tawag ni

Lumingon naman kaming apat na tumawag kay Alice.

"Si AC" bulong ni Stella

Sila AC, Rafael at si? Siguro siya si Thun.

"Bakit kayo nandito?" Takang tanong ni Belle

"Ako ang may ari nitong resort" sabi ni Raf

"Ah okay" sabi ni Belle

"Mag-enjoy sana kayo dito" sabi ni Thun

"Sino ka?" Takang tanong ni Stella

"Thunder Lopez, Thun for short" pakilala niya

"Aalis na ba kayo?" Tanong ko

"Huwag muna kayo umalis, mag-join kayo sa 'min" dagdag kong sabi

"Hindi na may pupuntahan pa kami" sabi ni AC

"Mahalaga ba ang pupuntahan mo kaysa sa 'min?" Tanong ni Stella

"Oo, hindi naman namin kayo gaano kakilala. Bakit pa kami sasama sa inyo?" sabi ni AC

Ang sakit naman nito mag-salita.

Hindi naman sumagot si Stella at nakasimangot lang naman siya.

Tumalikod at nagsimula na sila maglakad.

"Alice" sabi ni Stella

Tumingin naman si Alice kay Stella. Na para bang nagkaka-intindihan sila sa mga titig nila.

"Paano kapag ako ang nakiusap sa inyo?" Tanong ni Alice

Lumingon naman sina AC, Raf at Thun.

"Pagbibigyan niyo ba ako? Matagal niyo na akong kakilala" sabi ni Alice

"Pagbibigyan ka namin Alice ikaw pa ba" sabi ni Raf

"Gusto ko dito muna kayo, samahan niyo kami magsaya" sabi ni Alice

Lumapit naman sina Raf, AC at Thun. Umupo din sila sa harap namin.

"Gusto niyo ba kumain muna kayo?" Tanong ko

"Hindi pa naman kami gutom" sabi ni Thun

   K    A    T    A    H    I    M    I    K    A    N

"Laro tayo ng Question & Answer" ngiting sabi ni Belle

"Ang boring kasi" dagdag na sabi ni Belle

Ang awkward kasi.

"Sige" sabi ni AC

Sa Ilalim ng Papag ni LolaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon