Chapter. 16

269 35 1
                                    

Jane POV

"Kapag nakagawa ako ng tatlong masama"

"Mananatili na akong papag hanggang buhay"

"Paano mo malalaman na nakagawa ka ng mabuti at masama?" Tanong ni Alice

"Kapag mabuti white bulb at kapag masama red bulb"

"May dalawang araw para hintayin ang sign. Halimbawa sinaktan ko si Jane tapos mapapatawad lang ako ni Jane kapag tinulungan ko siya sa pagpapa-opera ng Mama niya dahil may sakit"

Sa dinadami-daming halimbawa iyan pa.

"Na binigyan ko si Jane ng pera pampa-opera ng Mama niya. May dalawang araw ako para hintayin ang sign kung white or red na bulb"

"Kung red na bulb, ibig sabihin ang pera na binigay ko kay Jane ay ginamit niya sa masama katulad ng pambili ng droga, pang-sugal at iba pa"

"Kung white na bulb, ibig sabihin ay ginamit sa mabuti. Dapat kung ano ang sinabi niya sa 'kin doon dapat mapupunta ang pera"

"Kung ganoon iisa-isahin namin ang nasaktan mo?" Tanong ko

"Madami kang sinaktan" dagdag kong sabi

"Sampung tao lang ang kailangan"

"Paano kapag ng sorry lang iyong tao?" Tanong ni Alice

"Kapag sincere na sorry white bulb kapag hindi sincere edi wala "

"Tulungan niyo ako"

"Tutulungan ka namin" sabi ko

"Kailangan ako ang haharap sa kanila"

"Pero hindi ako pwede lumayo sa papag"

"Ibig mong sabihin kailangan dalhin ang papag?" Takang tanong ko

"Kailangan dalhin ang papag para makasama ako"

"Ako na bahala sa mga taong nasaktan mo. Aalamin ko kung saan sila nakatira. Unahin natin iyong malapit muna tapos tsaka tayo pumunta sa Cavite kapag iilan lang ang nandito sa Pampanga" sabi ni Alice

"Kilala ko naman kung sino-sino ang mga nasaktan mo" dagdag ni Alice

"Paano mo sila nakilala?" Takang tanong ni Reign

"Paano ko hindi sila makikilala dahil pakalat-kalat sila at kung saan-saan ko naririnig. Karamihan sa kanila ay kaklase ko ng elementarya" sabi ni Alice

"Magsimula na tayo bukas" sabi ko

"Ayos lang sa 'kin" sabi ni Reign

"Sa 'kin din" sabi ni Alice

Lumabas na si Alice sa kwarto. Tiningnan ko si Reign na habol ang tingin niya kay Alice.

"May gusto ka kay Alice tama ba ako?" Tanong ko

"Wala kang pakialam"

"Kung hindi kaya kita tulu..."

Hindi ko natapos ang sasabihin ko na bigla na siya mawala.

Bumalik na si Reign sa papag at hindi man lang pinatapos ang sasabihin ko.

"Ang sama ng ugali mo" sabi ko kay Reign

Lumabas na ako ng kwarto at dumiretso sa kanila.

Nagkakasiyahan sila. Sina Belle at Mhyro nasa malayo nag-lalambingan silang dalawa.

Sa Ilalim ng Papag ni LolaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon