Chapter. 21

221 33 0
                                    

Jane POV

"Ako nga pala si Beanch Vien Homez" pakilala niya sa 'min habang natayo siya katabi si Reign

"Vien" sabi ni Reign

"Bakit Reign?"

Hindi man lang siya lumingon.

"Gusto ko lang na bumawi sa 'yo kasi sinaktan kita noon" sabi ni Reign

"Sorry mo lang sapat na sa 'kin" ngiting sabi ni Vien

"I'm sorry, iba ka sa ibang babae na nakilala ko aminin ko nagustuhan kita hindi bilang kasintahan kundi kaibigan na babae" sabi ni Reign

"Pinapatawad na kita, alam ko naman na mabait ka at may dahilan ka kaya naging chickboy ka. Salamat sa pagiging tapat mo sa 'kin at hindi mo ako tinuring na kakaiba. Kahit na hindi kita nakikita alam kong mabuting tao ka. Bawasan mo na ang pagiging chickboy mo" sabi ni Vien

"Kahit na hindi kita nakikita alam kong mabuting tao ka"

Bulag siya?

Napatingin naman ako sa kanya.

Kaya pala todo alalay si Reign sa kanya.

Naguilty tuloy ako kasi naiinis ako sa kanya.

Bigla may lumiwanag.

"White bulb" sabi ni Reign

Hindi naman ito narinig ni Vien.

Score board:

White Bulb- 3
Red Bulb- 2

Pumunta sa harap si Reign at hinawakan niya ang dalawang pisngi ni Vien.

Kailangan ba talaga hawakan?

"Gusto mo ba makakita?" Tanong ni Reign

"Gusto ko" ngiting sabi ni Vien

"Kaya lang wala kaming pera pampa-opera" dagdag na sabi ni Vien

Mabait nga siya.

"Sagot ko na ang pampa-opera mo" sabi ni Reign

"Talaga? Salamat na marami Reign" masayang sabi ni Vien

Tumayo si Alice.

"Ako na ang bahala sa mga gamot mo" sabi ni Alice

"Ikaw ba iyan Alice?" Takang tanong ni Vien

"Oo" sagot ni Alice

"Salamat talaga sa inyo Reign at Alice" sabi ni Vien

Sagot ko na ang tuyo na ulam niyo hahaha. Iyon lang ang kaya ko.

"Friends na tayo, Vien" ngiting sabi ni Reign

"Friends" sabi ni Vien

Agad naman sila nag-shake hands.

"Ihatid ka na namin sa magulang mo at pag-uusapin namin iyong tungkol sa operasyon" sabi ni Reign

Hindi ka lang gwapo kundi mabait din.

Binuhat na namin ni Alice ang papag habang nakasunod sina Reign at Vien.

Nilapag namin ang papag.

"Si Alice na ang maghahatid sa 'yo sa magulang mo" sabi ni Reign

"Sige Reign" sabi ni Vien

Inalalayan na ni Alice si Vien at lumakad na sila palayo.

"Huwag ka magselos kay Vien" sabi ni Reign habang nakatingin sa malayo kung saan naglalakad sina Vien at Alice

Sa Ilalim ng Papag ni LolaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon