Chapter. 9

307 34 0
                                    

Jane POV

Mag-tatangahalian na at wala naman akong masyadong ginawa kaya naisipan ko na dito ako sa kwarto.

Hindi talaga mawala sa isip ko ang sulat na kagabi.

Baliw ka ba? Kinakausap mo kasi sarili mo.

Nandito ako sa kwarto at sa harap ng salamin.

"Kung baliw ako, mas baliw ka dahil..dahil"

"Hindi na kailangan ng dahilan basta baliw ka"

"Akala mo kung sino, pangit naman"

"Kaya siguro hindi ka nag-papakita sa 'kin dahil pangit ka"

"Sobrang pangit mo"

"Apo"

Lumingon naman ako sa may pinto.

"Lola" gulat kong sabi

"Kausap mo ba sarili mo? O may nakikita ka na hindi ko nakikita?" Takang tanong ni Lola

"Kausap ko po sarili ko"

"Apo payo lang, kapag may nakita sa'yo na kinakausap mo ang sarili mo. Baka mapag-kamalan ka nilang baliw" payo ni Lola

"Hindi po ako baliw, na kasanayan ko lang na kinakausap ko ang aking sarili" sabi ko

"Alam kong hindi ka baliw" sabi ni Lola

"Pagkatapos kong ilikom ang mga sinampay mo, aalis na tayo" dagdag na sabi ni Lola

"Sige po, Lola" sabi ko

Bakit nga ba hindi ko sinarado ang pinto?

Nakabihis ako ngayon ng daster, at  nakalugay ang buhok.

Ano kaya gagamitin ko tsinelas o doll shoes?

Doll shoes na lang.

Kukuhanin ko sana ang doll shoes na may napansin ulit akong papel.

Umupo ako sa sahig, kinuha ko ang doll shoes at ang papel.

Ako sobrang pangit? Baka ikaw mas sobrang pangit, maganda pa ang aso ko sa 'yo. Baka kapag nakita mo ako lumuwa ang mata mo. Hindi ako baliw, baka kapag ako nakita mo mabaliw ka sa 'kin.

Tumayo na ako at sinuot ang doll shoes.

Huminga naman ako ng malalim para kumalma.

Naiinis na talaga ako.

Tinabi ko ang sulat sa box kung nasaan ang iba pang sulat.

Lumabas na ako ng kwarto. Nakita ko si Lola na nilapag ang mga damit na nilabhan ko.

"Pumunta na tayo sa palengke" sabi ni Lola

Tumango naman ako bilang sagot.

Lumabas na kami ng bahay at ni-lock ang pinto. Nag-simula na kami mag-lakad.

Kung sino man ang nag-susulat ng sulat na 'yon at nilalagay pa talaga sa ilalim ng papag. Isusumbong ko kina Landodo at Butchoy.

"Lola" tawag ko

"Bakit? Apo" tanong ni Lola

"Baka makasama sa inyo ang sobrang pagod" alalang tanong ko

"Malakas pa naman si Lola, Apo" ngiting sabi ni Lola

"Kahit na Lola, huwag ninyo pwersahin ang katawan at lakas ninyo"

Sa Ilalim ng Papag ni LolaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon