Mhyro POV
"Jane gising na" sabi ni Papa habang kumakatok sa pinto ni Ate
"Jane"
"Jane"
Paulit-ulit na tawag ni Papa kay Ate.
"Natutulog pa yata si Ate, Papa" sabi ni Ahron
"Kumain na kayo" sabi ni Mama
Pumunta naman kami sa dining area at pumuwesto sa aming upuan. Nagsimula na kami kumain.
Habang kumakain.
"Mhyro, pumasok ka sa kwarto ng Ate mo at gisingin mo" utos sa 'kin ni Mama
Pumunta naman ako sa kwarto ni Ate.
Nakita ko ang kama ni Ate na may dugo at sa sahig mismo.
Anong nangyari dito?
Pumunta ako sa C. R. kumatok ako ng ilang beses at binuksan ang pinto.
Wala si Ate sa C. R. nasaan na ba 'yon?
Pumunta ako sa dining area.
"Nagising mo na?" Tanong sa 'kin ni Papa
"Wala si Ate sa kwarto, panay dugo ang nandoon" sabi ko
Dali-dali naman sila pumunta sa kwarto ni Ate.
"Bakit may dugo? Naglaslas si Ate?" Sabi ni Ahron
"Menstruation 'yan" sabi ni Mama
Tok tok tok
Tumingin naman kami sa pintuan sa sala.
Lumapit kami doon at binuksan ni Mama ang pinto.
Nakita namin sina Rio at Ria.
Si Ria umiiyak at si Rio namumutla.
"Bakit ganyan ang itsura ninyo?" Tanong ni Papa
"Si Ate Jane" umiiyak na sabi ni Ria
"Bakit anong nangyari?" Tanong ko sa kanila
"Nasa gitna ng kalsada si Ate Jane, pinagkakaguluhan ng mga tao" sagot ni Rio
"Patay na" luhang sabi ni Ria
Halos magulat kami sa narinig namin.
Patay na?
"Nasaan?" Tanong ni Mama kung nasaan si Ate
Hindi ako naniniwala na patay na si Ate.
"Sumunod po kayo sa 'min" sabi ni Rio
Tumatakbo ang magkakambal at tumakbo rin kami.
Walang nagsasalita ni isa sa 'min.
Mga ilang segundo nakarating kami sa madaming tao.
"Anak ko" sabi ni Mama
Lumapit naman si Mama kay Ate.
"May mga media Mhyro" bulong na sabi sa'kin ni Ahron
BINABASA MO ANG
Sa Ilalim ng Papag ni Lola
Подростковая литература[Under Revision] J. B. S. A. E Series #1 Jane Monteverde lumaki sa probinsya. Masayahin, makulit at sobrang saya kapag kasama. Ano na lang ang mangyayari kapag may nakilala siyang kakaiba? Paano kung ang isang bagay ay pinagkatiwala ng kanyang Lola...