Chapter. 26

262 32 0
                                        

Jane POV

"Ako po si Reign Lamedh, ang ama na dinala ng anak niyo na si Jane Monteverde"

Lahat kami nagulat sa sinabi ni Reign.

Anong dinadala ng anak? Wala pa nga nangyayari sa 'min.

"Buntis ka Jane?" Gulat na tanong ni Papa

"Hindi po ako buntis" sabi ko

"Ano ang sinasabi ni Reign?" Tanong ni Mama

"Trip lang niya iyon, Mama"

"Totoo po 'yong sinabi ko, Tita at Tito" ngising sabi ni Reign

Pinapahamak mo ako.

Tumingin ako kay Alice para humingi ng tulong na hindi totoo iyong sinabi ni Reign.

Kaso snob niya lang ako.

"Hindi po 'yon totoo" sabi ko

"Mga kabataan nga naman ngayon. Gagawa ng milagro tapos kapag na buntis itatanggi" sabi ni Mhyro

Kung makapag-sabi ng kabataan, kabataan din naman siya.

"Handa po ako panindigan ang anak ninyo" sabi ni Reign

"Aba! Dapat lang" sabi ni Ahron

Anak mo ba ako Ahron?

"Hayaan mo kami magpakilala Iho" sabi ni Papa

Ngumiti naman si Reign.

"Ako si Aaron Maykie, Tito Aaron na lang ang itawag mo sa 'kin" sabi ni Papa

"Jackeelyn, Tita Jackie na lang" sabi ni Mama

"Mhyro Zeign, Mhyro na lang"

"Ahron Zeign, Ahron"

Umupo kami sa silya, kumuha naman ako na juice at pancake para sa 'min. Dinala ko na sala at nilapag sa table. Tumabi ako kina Reign at Alice na nasa gitna ako ngayon.

"Gaano kayo katagal ng anak ko?" Tanong ni Papa

"Papa, accident lang 'yong nangyari sa 'min" sabi ko

Sinakyan ko na rin ang trip ni Reign. Wala rin naman ako magagawa kasi hindi naniniwala sila Mama.

"Kahit accident po ang nangyari sa 'min, handa po akong pakasalan ang anak niyo"

Napalunok naman ako sa sinabi niya.

Kinikilig na akooo.

"Aray!" Sabi ni Alice

Napatingin naman sina Mama kay Alice.

"May problema ba Alice?" takang ni Mama

"May ipis po na kumagat sa 'kin" sabi ni Alice

"Ipis? Kakalinis ko lang" sabi ni Mama

"Kinilig ka na naman kaya kinurot mo ako" bulong ni Alice sa 'kin

"Sorry" mahinang sabi ko sa kanya

Tumayo si Alice at lumabas ng bahay.

"Mabuti naman kung ganoon na handa ka pakasalan ang anak ko. Ayaw ko kasi na hindi kumpleto pamilya ang mayroon ang anak ko" sabi ni Papa

Napangiti naman ako.

"Huwag po kayo mag-alala hindi ko po hahayaan na mawala si Jane sa 'kin"

Sa Ilalim ng Papag ni LolaMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon