Chapter. 18

241 33 0
                                    

Jane POV

Humiga na ako sa papag at ng pose.

"Lapitan mo na si Vincent" sabi ni Alice kay Reign

Lumapit naman si Reign kay Vincent. Nag-umpisa na kami mag-pose.

"Model ba sila?"

"Parang model yata iyong kumukuha ng kamera sa babae"

Si Alice lang ang pinansin nila.

"Tingnan mo iyong nandoon sa papag hindi naman maganda at hindi rin seksi"

Pinansin nga nila ako pero nilait naman.

Lumapit naman si Reign dito.

"Alice" tawag ni Reign

Lumingon naman si Alice.

"Pahiram ng pera"

"Gagamitin saan?" Tanong ni Alice

"Pampa-opera ng Tatay ni Vincent"

"Magkano?" Tanong ni Alice

"50 thousand"

Nilabas ni Alice ang isang sobre at inabot kay Reign.

"Sasabihin ko na pinatago ko lang sa 'yo" sabi ni Reign

"Sige" sabi ni Alice

"Babayaran kita" sabi ni Reign

Pumunta ulit si Reign sa pwesto ni Vincent.

Iba talaga kapag mayaman.

Nag-pose ulit ako at patuloy lang sa pag-picture si Alice sa 'kin.

Lumapit ulit si Reign sa 'min at umupo na ako sa papag.

"Tapos na ba?" Tanong ko kay Reign

"Oo"

Tumayo na ako at binuhat na namin ni Alice ang papag papunta sa truck. Agad naman namin ito pinasok sa loob ng truck at pumasok na rin kami sa loob. Pinaandar na ng driver ang truck.

"Sino susunod?" Tanong ni Reign

"Sina Rain Jasmine Qusio isa sa mga gilfriends mo at si Rail Jaime Qusio nakaaway mo sa isang bar" sabi ni Alice

"Bukas na natin sila puntahan, may aasikasuhin pa akong business" dagdag na sabi ni Alice

"Hindi ka ba mag-papahinga?" Alalang tanong ko kay Alice

"Hindi pa naman ako pagod"

Ilang minuto ang nakalipas sa byahe. Huminto ang truck at binuksan ng driver ang pinto.

Tumayo si Alice.

"Kailangan ko na umalis" sabi ni Alice

"Magkita na lang tayo bukas" dagdag na sabi ni Alice

"Ingat Alice" sabi ni Reign

"Ingat" sabi ko

"Ikaw na bahala sa kanila. Ihatid mo sila at pumunta ka sa opisina ko" sabi ni Alice sa driver

"Sige po, Ma'am" sabi ng driver

Lumabas na ng truck si Alice at sinarado na ng driver ang pinto. Agad naman niya ito pinaandar.

"Bakit ang hilig mong saktan ang damdamin namin mga babae?" Tanong ko kay Reign

"Sadyang gwapo lang ako at hindi ko sila gusto"

Sa Ilalim ng Papag ni LolaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon