Chapter. 15

274 34 0
                                    

Jane POV

Limang araw na ang nag-daan na ilibing si Landodo at ngayon ay aking kaarawan.

"Anong klaseng kaarawan ito? Kung ang may birthday ay naka-simangot" sabi ni Stella

Nandito na sina Stella, Belle at Alice sa bahay.

Kami-kami lang naman ang kakain.

Asaan na kaya sina Mama?

"Namatay na kasi si Landodo" sabi ko

"Iyong alaga mong tuko? Tuko lang naman iyon" sabi ni Belle

"Hindi basta tuko lang iyon, siya iyong unang naging kaibigan ko kaysa sa inyo"

"Hindi magiging masaya si tuko kung sisimangot ka lang hanggang buhay" sabi ni Alice

"Landodo ang pangalan niya"

"Basta isa siyang tuko" sabi ni Alice

Natawa naman sina Belle at Stella.

"Kailangan mo rin maging masaya. Hindi ka ba masaya na pumunta na siya sa langit?" Seryosong sabi ni Alice

Hindi ko nasagot ang tanong ni Alice. Na biglang

"Kumain na tayo naka-handa na ang makakain natin" sabi ni Lola

Lumabas na kami ng bahay at lumapit sa mahabang table kung saan nakahain ang mga pagkain.

Kumuha na kami ng pagkain at nagsimula na kumain.

Habang kumakain.

Parang may tumitingin sa 'min.

Tumingin ako sa paligid para tingnan kung sino.

"May problema ba? Jane" tanong ni Belle

"Wala"

Kumain na ulit ako.

"Jane"

Lumingon naman ako kung saan galing ang boses na iyon. Nakita ko sina Mama na papunta na dito sa gawi namin.

Tumayo naman kami nina Belle, Stella at Lola habang si Alice patuloy lang sa pagkain.

"Ate" sigaw ni Ahron

Na makalapit sila dito agad naman niyakap ni Mhyro si Belle.

Dapat ako muna ang niyakap.

"Happy birthday, Ate" sabi ni Ahron

"Happy birthday, Anak" ngiting sabi ni Papa

"Happy birthday, Jane" sabi ni Mama

"Ikaw Mhyro, anong sasabihin mo?" Taas na kilay kong sabi

Inalis na nila ang payakap.

"Happy birthday, Ate" ngiting sabi ni Mhyro

"Wala kaming regalo, Anak" sabi ni Papa

"Ayos lang po" ngiting sabi ko

Ngumiti naman sila.

"Kumain na kayo" sabi ni Lola

"Mama" sabi ni Papa kay Lola niyakap naman ni Papa si Lola

"Tama na ang yakapan at kumain na tayo" sabi ni Lola

Agad naman kumuha ng pagkain sina Mama at nagsimula na rin kami kumain.

Tuwang-tuwa sina Mhyro at Belle.
Psh walang forever.

Sa Ilalim ng Papag ni LolaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon