Chapter. 23

236 33 0
                                    

Jane POV

"Hindi ka pa ba tapos?" Inis na tanong ni Alice habang hinihintay ako sa pinto ng kwarto ko

"Huwag ka na mag-ayos, sobrang ganda mo na" sabi ni Reign

Enebe keneleg ake.

Napakagat naman ako sa labi. Tinigil ko na ang pag-susuklay sa buhok at kinuha ko na ang bag.

"Bye Reign" sabi ko

"Bye sa inyo" ngiting sabi ni Alice

Lumabas na kami ng kwarto at pumunta nasa labas ng bahay.

"Bye po, Lola" ngiting sabi ko

"Bye po" sabi ni Alice

"Mag-aaral ng mabuti" sabi ni Lola

Sumakay na ako sa kotse ni Alice at katabi niya ako sa driver seat.

Habang nagmamaneho si Alice.

"Kayo na?" Tanong ni Alice

"Na alin?" Takang tanong ko

"Kayo na ni Reign?"

Kami na nga ba?

Hindi ko sinagot ang tanong ni Alice. Dahil hindi ko alam ang isasagot ko.

"Mahal mo si Reign?" Tanong ni Alice

"Oo"

"Mag-ingat ka sa kanya, baka mapasama ka sa mga girlfriends niya" paalala ni Alice

"Bakit hindi alam nina Stella at Belle ang tungkol sa accelereted ko?"

"Accelerated" pagtama ni Alice sa 'kin

"Wala akong oras para sabihin pa sa kanila, ang dami kong inaasikaso" dagdag ni Alice

"Sobrang dami ba at hindi natatapos" sabi ko

Namarating kami sa school ay pinarada na ni Alice sa parking lot ang kotse. Bumaba na kami at dala-dala ang bag.

"Mauna na ako sa room" sabi ni Alice

"Teka! Sabay na ako sa 'yo, baka maligaw ako dito magkaklase naman tayo"

"Pumunta ka sa Principal Office at ibigay mo ang mga requirements mo" sabi ni Alice

"Hindi mo ba ako sasamahan?"

Mukhang hindi.

"Magtanong ka na lang kung saan ang Principal Office" sabi ni Alice

Tumalikod na si Alice at naglakad. Naglakad na rin ako.

Habang naglalakad.

Nagtanong ako sa isang babae ang sabi diretso mo lang iyan kapag may nakitang kang C. R kaliwa tapos sa dulo makikita mo na iyon.

Nandito na ako sa dulo pero wala akong nakitang Principal Office, basurahan lang ang nakita ko.

Mukhang naliligaw na yata ako.

Ang hinahanap ko Principal Office hindi basurahan.

Ginala ko ang paningin ko para magtanong kung saan ang Principal Office.

"Excuse me"

Lumingon naman ako sa likod ko at tumabi. Dumaan ang isang lalaki sa harap ko.

May itatanong pala ako.

"Sandali" sabi ko

Huminto naman siya sa paglalakad, tumingin sa 'kin. Agad naman ako lumapit sa kanya.

Sa Ilalim ng Papag ni LolaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon