Epilogue

362 31 0
                                    

Jane POV

Ang bilis ng panahon parang kahapon lang nakita ko si Reign kagabi sa tapat ng bintana ko.

Ngayon ay magkasama na kami sa iisang bahay.

Apat na buwan na kaming kasal at kabuwanan ko na ngayon.

Nandito ako ngayon sa kwarto nakahiga.

Ang hirap pala mabuntis.

Tumayo naman ako at pumunta sa salamin.

"Ganito pala kapag buntis"

"Tumataba na ako"

"Nagiging tamad na rin ako"

Nakita ko sa salamin na yinakap ako ni Reign sa likod.

"Mal ko, Pakiramdam ko tuloy hindi ako naging mabuting asawa sa 'yo" ngusong sabi ko

"Bakit mo naman nasabi iyan?"

"Kasi imbes na ako ang mag-asikaso sa 'yo ikaw ang nag-aasikaso sa 'kin" sabi ko

"Buntis ka, kapag hindi ka na buntis aasikasuhin mo ako" ngising sabi niya

"Gusto mo ba na makakain?"

"Ayaw" sabi ko with matching iling

"Sayaw tayo" sabi ni Reign

"Bawal ako sumayaw" sabi ko

"Katulad na sayaw sa JS Prom"

Nagpatugtog naman siya at lumuhod sa harap ko. Kinuha ang isang kamay ko.

Hinila niya ako papalapit sa kanya. Nilagay ko ang dalawang kamay ko sa batok niya at ang dalawang kamay niya ay nasa bewang ko.

Bukod Tangi by Jason Hernandez

Kay daming ng babae na aking nakilala
Dito sa puso ko
Ay tunay kang naiiba
Lagi kang naalala
Sa panagip ay kasama
Alam mo na bang minamahal kita

Chorus:

Para sa akin ay bukod tangi ka
Sadyang naiiba ang ‘yong ganda
ang iyong mga ngiti
sa aki’y langit na
kapag kapiling ka’y anong saya
‘wag mong sabihing may mahal ka na
pagkat ito ay di makakaya
ikamamatay ko ‘pag nakuha ka ng iba

Napangiti naman ako kasi sakto ang kantang ito sa 'min ni Reign.

Titig lang ng titig si Reign sa mata ko.

Ano ba iyan? Naiilang tuloy ako.

Kay hirap na pigilan
Ng puso at damdamin
Ang malayo sa’yo
Pagdurusa para sa akin
Lagi kang naalala
Sa panagip ay kasama
Alam mo na bang minamahal kita

"Sobrang ganda mo talaga" sabi ni Reign

Sumimangot naman ako sa sinabi niya.

Anong maganda ka diyan?

"Bakit may sinabi ba ako na hindi maganda? Huwag ka sumimangot" sabi ni Reign

"Sinasabi mo lang na maganda ako kahit hindi naman kasi ayaw mo na magalit ako sa 'yo"

"Totoo na maganda ka, kahit na hindi ka maligo, mag-tooth brush, magpalit ng panty at magpalit ng b.." ngising sabi niya

Kailangan pa talagang sabihin iyon?

Sa Ilalim ng Papag ni LolaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon