Prologue

106 6 0
                                    

Attention!

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, place, events, and incidents are either the products of author's imagination or used in a fictitious manner.  Any resemblance to actual persons,  living or dead, or actual events is purely coincidental.

----------


'Welcome to Manila.

Gaano ba ako katagal nanirahan sa Ilo-ilo at ganito na kalaki pinagbago ng Manila?Nasa iisang bansa pa din naman kami pero hindi ko akalaing may igaganda pa pala yung lugar kung saan ako lumaki.

Nakalimutan ko it's been 8 years na pala simula ng lisanin ko tong lugar na to at magtago sa napakalayong lugar. Magtago sa kanya.

"Mommy masyadong mabigat! Hindi ko po to kaya." Napalingon ako sa anak ko na hirap na hirap hilain yung maliit niyang maleta parang naman sobrang daming laman at hirap na hirap siya eh puro laruan lang naman niya yung nasa loob.

Yumuko ako para magpantay kami ng anak ko. 

"Summer anak hindi naman mabigat yan maarte ka lang talaga." Tumayo ako at inirapan ko siya. Well ganyan talaga kami kaya lagi kaming pinagkakamalan na magkapatid lang.

"Eh i don't want to iwan my dolls to auntie Sita eh. Baka siya yung mag laro neto." She pertaining to tita Sita pinsan siya ni mommy na kumupkop samin ng anak ko at dalhin kami sa ilo-ilo. Lalo na nung malaman niyang nangyari sakin.

Summer Thea Del Villa she's 8 years old now at sobrang daldal na niya.  Yan lang ata nakuha niya sakin the rest sa ama na niya. From her eyes na brown from her lips,  nose,  eyebrow ,  isama na din yung katalinuhan na malamang sa ama niya nakuha.  Isipin na small version na babaeng Oliver etong kasama ko.

Ayoko man itago pero eto lang alam kong solusyon. Kuntento na ako na may anak siyang naiwan kahit eto na lang kahit wag na siya. Hindi ko kailangan ng lalaking kagaya niya.

Nanunbalik sakin lahat kung anong kagaguhang ginawa niya sa mismong araw na gusto ko siyang sopresahin na buntis ako. Pinagsisihan ko ang araw na yon kung bakit pumunta pa ako sa party na yon. Kung bakit nakita ko pa siya na sa ganong eksena.

Mensahe ni Author 🖋️

Ibubuhos ko lahat dito kasipagan ko sa pagsusulat. Pa support po maraming salamat.

Please bear with the grammatical errors and typos.

        ﹏﹏﹏﹏﹏﹏
Start: March 30, 2020

Wildest DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon