PANG ANIM

23 3 0
                                    

"Secret walang clue." Sabi ni Ethan sabay nagtawanan silang tatlo.

Mga baliw ata to eh pa secret pang nalalaman akala naman nila kikidnapin ko boss nila, tse may Oliver na ako. Saksak nila sa baga nila boss nila.

"Anyways asan pala ako?" Inilinga ko ulit paningin ko sa paligid gusto ko ng ganitong kwarto black and white ang design. From floor na pure marble to ceiling na white, sofa na black maski table black. Ibahin ko na nga kwarto ko pag uwi. Inggetera ako eh.

"Sa akin don't worry you're safe here. Tell us if you're not comfortable with us? Aalis din kami." Napalinga ako kay Clifford nang nag salita siya. Tinanong ko lang naman kung kaninong kwarto to nag drama na agad.

"Hindi naman. Sa totoo nga nakakahiya eh, nakaistorbo pa ata ako di bale babawi ako ano bang gusto niyo? Ah? Eh? Ano nga ba?" Mayayaman na to Shine haler, Napapikit ako sa kahihiyan ano ba.!

"It's okay besides si boss naman talaga nag sabi na dalhin ka nalang dito kesa sa hospital." Napatingin ako kay Clifford Tumayo ito at pumunta sa tapat ng drawer na nasa ilalaim ng table. Sinundan lang namin siya ng tingin hanggang sa kinuha niya don yung pouch ko. "Here. Pinatingin ko sa bouncer don sa bar kung may naiwan ka bang gamit at meron nga buti na lang walang kumuha don." Iniabot niya sakin yung pouch ko kaya tiningnan ko na naman yung loob at thanks god andito pa yung phone ko.

"Thank you." Tiningnan ko din yung dalawa nasa likod ni Clifford. "Thank you din." Ngumiti at tumango lang sila sakin sabay tumayo na rin silang dalawa . Ang tatangkad nila at base sa itsura meron talagang may ipagmamayabang ang mga to.

"Cliff we have to go. Tatapusin lang namin ni Ethan yung pinapagawa ni Boss." Phoenix said tinapik pa neto balikat ni Clifford. Tiningnan naman nila akong dalawa. "Magpahinga ka pa, para mabawi mo na lakas mo, mauna na kami. See you." Dagdag pa neto. Nginitian ko naman sila at nagpasalamat ulit, inihatid sila ni Clifford sa pintuan at akala ko susunod to pero pumasok ulit ito sa kwarto at umupo sa sofa. Kinuha netonyung dyaryo na binabasa ni Phoenix kanina at sinimulan basahin. Seriously? Babantayan ba ako ng lalaking to?

"Tell me kung nagugutom kana? Mag papahatid ako dito ng pagkain." Kakatitig ko sa kanya di ko na napansin na nakatingin na pala siya sakin. Ano ba Shine! Ngayon ko lang din naramdaman sikmura ko, nagugutom na ako shems.

"Anong oras na ba?"  Tanong ko sa kanya tumingin naman to sa wristwatch niya at tumingin ulit sakin "12:15 dadalhan na kita nang pagkain dito alam kong nagugutom kana." Sabay ngiti neto sakin. Seriously hilig nilang ngumiti. Hindi ba nila alam na kada ngiti nila 10 percent ng cells ko namamatay chars. Anong alam ko sa mga cells. Tumango na lang ako kesa magpaka choosy gutom naman na talaga ako. Tumayo ito at nag paalam lumabas akala ko ba mag papahatid na lang siya nang pagkain ? Hay ewan.

Humiga na lang ulit ako at kinalikot phone ko, lowbat pala to kaya hindi ko mabuksan timing nga naman. Anong ieexplain ko? Sabagay lagi naman ako ganito dati. May natanggap ba akong pake sa magulang ko? Wala naman. They're never bothered to call me kung okay lang ba ako? Kamusta ba ako? Kailan ba ako nakatanggap ng support from them? Money is their life . And me? I'm potato.

Bumukas yung pinto at pumasok si Clifford na may dalang isang tray na pagkain. "Nag abala ka pa hindi naman ako baldado." Kinuha ko naman yung pagkaing ibinigay niya at sinimulan kainin. Gutom na talaga ako.

"Here. Water " Bigay niya sakin isang basong tubig.

"Thanks, Clifford pwede bang ihatid mo na ako pagtapos neto? I need to go home na talaga. " Sabi ko at sinumulan ulit kumain.

"Sure I'll drive you home."

"Mabilis kong inubos pagkain ko para makauwi na. Gustohin man ng katawan ko humiga pa pero mas kailangan kong umuwi, doon ko na lang siguro ipagpapatuloy pahinga ko.

Wildest DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon