PANG SIYAM

14 2 0
                                    

Inaya ako ni Clifford na kumain muna, Gutom din naman ako hindi kasi namin nakain yung dala naming foods dahil natulog lang kami sa byahe.

"Anyways may free time ka ba mamaya?" Tiningnan ko ito, nakatitig lang to sa akin na animo'y parang may dumi ako sa mukha. Ano bang gagawin ko mamaya? Si Oliver nga pala.

"Sorry I have something to do later eh. Maybe tomorrow?  Bakit nga pala?" Hindi na ako magugulat kung aayain niya ako mag coffee gaya nga nang huli naming napagusapan. But Oliver is my priority for now,  siya lang pinunta ko dito. Ayoko din masira Plano ko.

"It's okay, birthday kasi ni Ethan ngayon that's why I invite you. Pero kung may gagawin ka okay lang,  hindi naman nila alam na nandito ka din." Okay I'm wrong, Nahiya ako bigla sa naisip ko kanina, napayuko ako kung tutuusin nga may utang na loob pa ako sa kanila for helping me out.

"Pwede ko naman ipabukas na lang gagawin ko mamaya, pupunta ako kahit dito na lang makabawi ako." Pagbawi ko sa sinabi ko kanina.

"Really? Good. Wala nang atrasan ah."

Nagpatuloy lang kami sa pagkain namin may onting kwentuhan pero more on business topic actually. Hanggang sa naisipan na din namin umuwi muna dahil magpapahinga din daw siya dahil kararating lang din nila kaninang 5am at ganon din ako I need to rest lalo na't may party akong pupuntahan, at sa pangalawang beses hinatid niya ulit ako pero sa tapat ng Hotel na tinutuluyan ko.

"Don't forget 5pm. " Habol pa neto bago ako makatalikod sa kanya. I nodded and smile.

Tatalikuran ko na sana siya ng may naalala nga pala akong sasabihin.

"Wait? I forgot." Nakapamulsa itong nakaharap sakin hindi pa din nawawala sa mukha neto ang pagkangiti. "Can I bring my friends too?" Nakakahiya pero alam Kong wala akong ka close don and besides nakwento ko naman na sa kanya si Reyn. And I think there's nothing wrong with that.

"Ofcourse, My pleasure to meet the daughter of Mr. Velasco. I wanted to know a lot especially her." Hindi na ako nagulat sa sinabi neto,  sa ngiti neto alam kong may ibig sabihin ito, especially kay Reyn and I knew he was interested.

"With her boyfriend." Isang matamis na ngiti ang pinakita ko sa kanya at tinalikuran na siya. Ipinaalam ko sa salitang yon na may boyfriend si Reyn. Napairap ako na isipin na lalaki nga naman.

Ang alam kong 3pm matatapos meeting nila Reyn so may time pang mag ayos yon. Buti na lang at swimsuit party lang din yon.  Dahil kung magkataon mapapabili talaga ako ng dress dito. Matapos ko maayos yung mga iba kong gamit ay pumunta na ako sa kama at ibinagsak ko katawan ko.  Unexpected na dito ko pala makikita yung mga lalaking yon.

Sa sobrang pagod at pag iisip ko hindi ko namalayan na nakatulog na din pala ako.

Sa Classroom may batas... 🎶🎶

Feeling ko kapipikit ko lang may sumabagal na agad sa pag tulog ko yawa. Inis kong dinampot cellphone ko sa table na katabi ng kama ko. Isa pa sa kinaiinisan ko yung ringtone ng phone ko na pinalitan ng magaling kong kaibigan. Tuwang tuwa kasi siya ng mapanuod niya sa Facebook yung video na yan at ako ang napagtripan magaleng.

"Hello?!" Sinagot ko na agad ang tawag  kahit na hindi tinitingnan kung sino ang caller.

"Bitch!  Kanina pa ako nag doorbell buksan mo na." Halata sa boses neto na inip na inip na ito siguro nga't kanina pa ito nag aantay sa labas. Anong oras na ba at parang ang aga natapos ng meeting neto. Nilingon ko yung orasan na katabi lang din ng kama ko. Napasinghap ako ng makita Kong 4:15 na?  Seriously ang tagal kong nakatulog?

Wildest DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon