19

10 2 0
                                    

Almost 7hrs na kaming nasa byahe at usapan mag stop over sa isang kilalang fastfood at don na daw mag lunch. Sakto din at gutom na gutom na mga friends ko sa tyan no.

"Ilang oras ba ang byahe papunta don Shine?" Nilingon ko si Selene na nakatingin na sa akin ngayon.

"Higit 15hrs ata ganon katagal depende pa kung traffic. Don pa nga lang sa Edsa nilamon na tayo ng traffic." Parehas nanlumo driver namin. Well ang usapan kami mang lilibre sila mag drive bahala sila.

"Dito na lang tayo, wait natin mga bebot bros na makapag park." Huminto na kami sa isang malaking parking lot. Sunod-sunod na naman nagsipag datingan mga sasakyan nila. Siguradong sila din gutom na.

"Lets go bitches! Andyan na sila. Argh makakatayo din sa wakas!" Sigaw ni Belle habang pababa ng sasakyan. Ako naman inayos pa mga kumot at unan na ginamit namin ni Reyn kanina,  wallet lang kinuha ko at sumabay na din sa kanila papunta sa kainan.

"Hi Shine. Hindi kita nakita kanina ah." Ganon' na lang gulat ko kay Clifford nang bigla tong sumulpot sa tabi ko. Iniakbay niya sakin braso niya at tuwang tuwa na nagkwento.

"Tagal na pala huli nating pagkikita how are you?" Tanong neto habang nakangiti ng malaki sa akin.

"She's fine Cliff." Umibabaw sa amin boses ni Oliver na nanggagaling lang sa likuran namin,  parehas kaming napatigil sa kinatatayuan namin. Nilingon namin si Oliver parehas kamay neto nasa bulsa niya naka plain white tshirt lang to tapos black short at deretsyong nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung panong iwas gagawin ko sa tingin niya.

Lumapit siya samin at mabilis kinuha braso ko kaya napasubsob ako sa dibdib niya.

"The F?" Inis ko tong tiningnan pero kay Cliff lang siya nakatingin. Feeling ko nag uusap sila gamit sa tingin lang. Wow powers

"Hahaha kain na nga tayo." Nilingon ko si Cliff na dalawang kamay nasa ere animo'y parang sumusuko, kamot pa batok neto bago kami talikuran. Kinuha ko yung pagkakataon na yon para harapin si Oliver.

"Why did you do that?" Magkasalubong kilay niya ng tumingin sa akin.

"I just took whats mine." Umayos ako ng tayo sa harapan niya. Para mas lalong magpantay tingin namin.

"Mine? are you referring to me?" Itinuro ko pa sarili ko, hindi makapaniwala sa sinasabi niya.

"Yes? you're mine at ayokong may ibang gagawa non sayo. Shine ako lang dapat." At nauna na tong naglakad sa akin naiwan akong nakanganga sa ere. Sinampal ko pa pisnge ko at baka panaginip lang tong nangyayari sa akin.

Buong byahe na parang mukhang natatae ako na ewan. Pinaghalo-halo lahat ng nararamdaman ko kaya ang ending hindi na ako nakatulog.

"Reyn nag-usap ba ulit kayo ng ex mo?" Naagaw ni Selene atensyon naming tatlo dahil pare-parehas kaming tulala at hindi inaantok. Bumalik na naman tuloy sa akin yung sinabi ni Oliver na nakita daw niya si Belle at William. Ang alam ko galit siyang sumugod tapos malalaman kong kumakain pa sila? Napailing ako sa naisip No Shine wag mong paghinalaan kaibigan mo! Palihim kong tiningnan si Belle pero sa harapan lang siya nakatingin.  Si Selene na yung nag dadrive para makapagpahinga na din daw si Belle. Naubos na din lakas namin kanina sa sobrang hype namin sa tugtugin .

"He's not answering my calls na. Huli namin ulit pag-uusap mag concentrate na lang daw muna siya sa pag study." Malungkot kong nilingon si Reyn, Pero sa labas lang siya nakatingin halata pa din sa kanya yung lungkot sa nangyari sa kanila. Alam kong mahirap pa din sa kanya lahat.

Tiningnan ko si Belle pero parehas lang kami nagulat nang magsalubong titig namin. Siya unang nag iwas ng tingin sakin. You can't do that to us right? I hope you're not hiding something.

Wildest DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon