I grabbed Clifford hand na ikinalingon niya sakin.
"Cliff nakakahiya ata wala akong regalo kay Ethan." Pero ang totoo kinakabahan ako knowing na may makikilala ulit ako sa grupo niya at yung boss niya pa. Actually normal lang sakin makipaghalubilo at makakilala ng ibat ibang tao pero kliyente lang. Tiklop ako kung labas na don yung kikilalanin ko.
"Kailangan ba yon? Masyado nang matanda yung isang yon para sa mga regalo ibang REGALO na yung gusto non ngayon. " Pinagkadiinan niya yung salitang regalo pero di ko pa rin gets. Napatingin ako sa kamay ko na nakahawak pa din pala sa kamay niya, bibitawan ko na sana, Nang ito naman ang humawak sakin, dahilan para mapatingin ako sa kanya.
"Let's go?" Wala na din akong nagawa ng hilain na niya ako. Dinala niya ako sa pinakadulo ng venue at medyo madilim tanging liwanag lang nang disco light ang makikita. Paunti unti naaaninag ko na mga tao na nakaupo at madaming alak na nasa lamesa. Bale nakapaikot sila at si Ethan at Phoenix lang nakikilala ko at may dalawang babae na napapagitnaan ng magkaibigan. habang yung isa nakatalikod samin kaya hindi ko makita kung sino siya, malakas kutob ko na siya yung boss na tinutukoy nila.
Ang lakas ng aura neto kahit hindi ko pa to nakikita ng buoan. Halatang may sinisigaw na kagwapuhan base palang sa likod neto. Manghuhula na ata ako.
"I'm back! And look kung sino kasama ko." Naagaw ni Clifford atensyon nila maliban sa isa na hindi man lang nagawang lingunin kami. busy ito sa pag inom at parang walang narinig. Napahinto sa landian yung dalawa at napatingin sa akin. Ganon na lang yung ngiti nila at lumapit sakin.
"You're here? How come?" Phoenix ask at saglit na yumakap.
"Nagkita kami ni Cliff kanina, at kanina ko lang din nalaman na birthday mo pala." Nilingon ko si Ethan at hanggang ngayon nakangiti pa din. Yumakap din to sakin.
"Sorry wala akong dalang regalo, kanina ko lang din talaga nalaman." Buti na lang at madilim hindi nila mapansin na nahihiya talaga ako sabi kasi ni Reyn pansin daw sa mukha ko pag hiyang hiya daw ako.
"Nah it's fine, kamusta kana pala? " Inaya na kami neto umupo ganon na lang taka ko ng nawala yung dalawang babae na kasama lang nila kanina.
"Okay na ako ngayon."
Pagkaupo namin saka ko lang naramdaman yung prisensya ng nasa harapan ko kaya pasimple ko tong sinulyapan ganon na lang gulat ko ng makita kung sino ito. Feeling ko nawala lahat ng dugo ko sa katawan. Hindi man lang eto nagawang tingnan kami at nakatutok lang siya sa alak na hawak niya.
"Oliver?" Wala sa sarili kong sabi alam kong nasa akin ngayon atensyon nila. Pero sa lalaking katapat ko ngayon atensyon ko.
Hindi pwede, Si Oliver yung boss nila? Biglang nag recall sakin lahat simula don sa bar hanggang don sa bahay ni Cliff. Siya yung boss na tinutukoy nila? Si Oliver?
Saglit lang itong tumunghay sakin at ibinalik ulit ang paningin sa alak.
"Kilala mo si boss?" Noon lang nawala tingin ko kay Oliver at lumipat kay Phoenix na nagtanong. Anong sasabihin ko? Na oo dahil siya lang naman yung nagnakaw ng puso ko?
"Yeah sino bang hindi makakakilala sa kanya the one and only Oliver Bryz Villanueva." Pinigilan kong wag mautal sa harapan nila at pinagkadiinan buong pangalan neto.
"Wow, iba talaga tong si boss isipin mo yon kahit ata insekto kilala to."
Ganon na lang tawanan nila sa sinabi ni Ethan. Napalingon ulit ako kay Oliver nang buksan ulit neto ang isang alak na nasa harapan namin. Kanina pa sya umiinom hindi pa ba lasing to at maiuwi ko na.
BINABASA MO ANG
Wildest Dream
RomanceWILD SERIES #1 Oliver Bryz Villanueva "I am choosing to live beyond my WILDEST DREAM . I wonder where they'll take me. " -Shine