Kanina pa ako nag aantay kay Reyn dito sa Airport. 10:00 am sched ng flight namin.
She said 9:00 am dapat andito na but that bitch wala parin 9:30 na.Inilapag ko sa tabi ko ang binabasa kong magazine. I check my Twitter if may update ba kay Oliver if he was there na. Ayoko masayang effort ko para dito no.
Napatingin ako sa picture niya na nag pop sa Twitter bagay sa kanya ang suot niyang Hawaii shirt. Hindi ko maiwasan mapatitig sa litrato niya. At first I thought I was just amazed to see him like Crush ganon lang siguro, Pero bigla na lang nagbago basta sa tuwing nakikita ko siya ngayon it makes me feel different.
Naalala ko tuloy non kung anong katangahan nagawa namin ni Reyn.
Flashback
"Meron yang number sa phone ng dad mo. Please bitch take a look ." Kausap ko si Reyn sa phone. I may sounds like desperate here but I don't care. I ask Reyn to get Oliver's number to her dad. Alam ko naging magkasosyo sa business ang daddy ni Reyn at si Oliver kaya posibleng may number siya ni Oliver my love so sweet.
"Hmm what can I get in exchange?" paniniguradong tanong neto.
"Sasamahan kita sa first meet niyo ng boyfriend mo. Deal agad gawin mo na." Ayoko man pero kapalit naman neto number ni Oliver kaya go!
"Yes! Okay bitch mamaya antayin mo text ko sayo. Try kong kunin phone ni daddy ng patago. Siguraduhin mo yang kapalit mo ah." Napangiti ako sa sinabi niya.
"Okay bitch I'll wait." I ended the call. Nag pagulong gulong ako sa kama ko sa excitement na nararamdaman ko. Anong sasabihin ko? Ehem.
"Hi Oliver Shine nga pala ang bago mong bebe." Ang baduy eh kung. "Hi babe ikaw lang sapat na walang titibag bente kwatro." Hmm medyo eww ah alam ko na. " babe dahil mahal kita iSogo kita." Argghh ano bang meron kung makuha ko number niya hindi ko din naman makakausap.
Bumalik ako sa ulirat ng tumunog phone ko. Nag pop yung name ni Reyn at agad kong binasa message niya .
[*Here , I just copied it save mo na agad
Mr. Villanueva- 0912******* wag mo kalimutan na samahan ako ah. Adios! ]I literally jump on my bed when i saw it. Oh my gosh! Ano na gagawin ko gaya nga ng sinabi ni Reyn sinave ko agad number niya.
Kanina Pa ako nakikipag titigan sa dial call kung tatawagan ko ba pero anong sasabihin ko? Gusto ko lang naman marinig boses niya. Gusto ko marinig kung gano din kagwapo boses neto sa tawag.Mga ilang minuto din ako kinain ng oras kakaisip sa kalandian ko. Okay wala nang atrasan , teka pano kung nag iba na siya ng number? Try ko Pa din.
Kinakabahan ako seriously para akong bulate ng nilagyan nang asin kanina Pa ako hindi mapakali hindi naman niya ako kilala kaya okay lang.
I started dial his number waiting for ringing. Kinabahan ako nang mag ring ito sa kabilang linya oh my ghad di ko kaya. I eend ko na.
"Who's this?"
Naiwan sa ere yung daliri ko Pipindutin ko palang yung end button ng may sumagot sa kabilang linya. Parang bagong gising eto sa sobrang lalim ng boses. Hindi agad ako nakasagot. Hindi ako nagkakamali si Oliver to natulala na Lang ako sa screen ng phone ko at umurong lahat ng plinano konh sasabihin sa kanya.
"You asshole! You disturbing me!" Ramdam ko galit neto sa kabilang linya kaya kung ano na lang naisip ko at nasabi.
"Ka tropa gusto mo ba mag karoon ng 50GIGA Load? Ano pang inaantay mo umpisahan mo na humingi sa nanay mo." Hindi ko na pinakinggan sasabihin neto at inend ko na.
BINABASA MO ANG
Wildest Dream
RomanceWILD SERIES #1 Oliver Bryz Villanueva "I am choosing to live beyond my WILDEST DREAM . I wonder where they'll take me. " -Shine