18

16 2 0
                                    


"N-naguguluhan ako haha, di ko gets." I fake laugh.


"Let's go? Sabi mo gusto mo sumakay sa Ferries wheel?" Tumayo ito at nauna nang bumaba inaantay ako. Halatang iniiwasan niya mga itatanong ko.


"No!" Itinago ko kamay ko sa likod ko, alam kong kukunin niya yon para makababa ako advance ako eh. "What do you mean about don?" Nagsusumamo ako sa kanya. May gusto akong makuhang sagot,  pero kanina niya pa ako binibitin. Seryoso lang tong tumingin sakin.


"Let's talk about that next time Shine ." He just turn back on me and start walking. What the? Inis kong tinalon yung taas nang kinauupuan ko at hinabol siya.


"Bakit hindi mo na lang ako deretsyahin?" Hinila-hila ko pa braso neto pero tuloy lang siya sa paglalakad. Ayaw mo talaga ah.  mahina ko siyang binatukan at sa ganon ko nakuha atensyon na. Great



"What's that for?" Hinarap niya ako habang himas ulo niya na binatukan ko.



"You don't even listen what im saying!  Kanina pa kita kinakausap kanina ka pa nambibitin!" Nakapamewang akong nakaharap sa kanya. Matunog naman tong bumuntong hininga.



"And i told you were just talk about it next time. Not now"



"Ang gulo mo! Ginugulo mo ako bakit hindi mo na lang kasi ako derestyahin, bakit hindi mo na lang kasi--"



"Na lahat yon alam ko umpisa pa lang." Pang puputol niya sakin. "From investing to your company, from seeing you on that party, that day you called me lahat yon alam ko. Iba don planado ko." Wala sa sariling napatuptop ako sa bibig ko. Lahat ng kabaliwan ko sa kanya alam niya pala talaga. Hindi ko alam kung gusto ko ba itong naririnig ko o ayaw kong pakinggan dahil nilalamon ako ng hiya. Masyado din akong gulong gulo.



Wala sa sarili akong naglakad at iwan siya, Parang sasabog utak ko sa mga naririnig ko.  Planado? Ang alin? Napahawak ako sa ulo ko gusto kong pukpokin para naman kusa akong matauhan kainis pagiging bugok ko.



Hindi ko na napansin na dumidilim na pala, nag-uumpisa nang magsindihan iba't-ibang kulay sa paligid. Napatingala ako sa ferries wheel iniisip kung sasakay ba ako. Ang loko matapos magbunyag ng kung ano-ano hindi talaga ako hinabol hinayaan talaga akong mag-isa. Oh Shine anong pake non.



Hindi ko alam kung saan nanggaling tong luhang namumuo sa mata ko. Hindi ko alam kung ikinatutuwa ko ba lahat ng nalaman ko? Malakas akong bumuntong hininga. Hindi ko alam kung anong isasagot sa kanya. Hindi ko alam kung anong sasabihin.



"Nalilito ako." Yumuko ako sa paa ko gusto kong umiyak pero bakit? Napatingin ako sa dalawang pares ng paa na tumabi sakin pasimple kong pinunasan namumuong luha sa mata ko at iniangat paningin dito. 



"I'm sorry." Tulad ko kanina nakatingin din siya sa Ferries Wheel na nasa harapan namin. "Sorry kung una pa lang ako yung unang nagtatago." Inilagay neto kamay niya sa bulsa niya at tumingin sakin. Natatamaan ng mga ilaw mata niya kaya kitang-kita ko lalo pag ka kulay brown neto.



"Yung tungkol don sa company namin? Nag invest ka don diba?" Parehas na kaming nakaharap sa isa't-isa.



"Gusto mo ba munang sumakay?" Ipinakita niya sakin dalawang ticket na hawak niya . Napangiti na lang ako't tumango kaya naman siguro nawala siya kanina.



Inalalayan pa ako neto umupo bago siya sumunod at umupo sa tapat ko. Magkatapat kami ngayon at parehas ilang sa isa't-isa. 


Sa totoo lang kinakabahan din ako dahil ngayon palang naman ako sasakay dito puro gala lang ginagawa namin dito ng mga kaibigan ko at kabado dahil hindi ko alam sasabihin ko sa kanya. Pero may parte sakin kampante lang dahil andito si Oliver. Medyo napakapit pa ako sa gilid ng umandar na to. Pasasalamat ko at  Mahina at banayad lang ang galaw ng sinasakyan namin



Wildest DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon