17

12 1 0
                                    




Hindi ako nakatulog ng maayos sa pag-iisip ko hanggang kaninang pagbangon ko hawak ko lang ata labi ko.  Ni kahit ata mag toothbrush ayaw ko to madampian. Argh! He kissed me The Fuck.


"So ano nang plano? Beach?  Out of town?  Nightclub?" Ngayon lang ako nabalik sa realidad ng malakas na magtanong si Selene. Andito nga pala mga kaibigan ko nag paplano kasi sila sa birthday ni Belle. Sa darating na linggo na kaarawan niya.


"Any suggestions? Bitch tutal kanina kapa tulala dyan. Suggest please?" Nakacross arms si Selene habang nakasandal sa sofa maarte tong nakatingin sakin. Akala mo talaga siya yung may birthday tse.


"Cagayan Valley tayo." Sabay-sabay itong nag sipag lingunan sakin. "Kung gusto niyo don ulit tayo sa resthouse namin." Matagal na nung huli kaming pumunta sa probinsiya namin, naisama ko na din sila don pero isang beses lang kaya siguro ganito kabilis sila sumang-ayon dahil gustong -gusto daw talaga nila don at miss na miss na yung dagat at ilog.


"Floating house ulit tayo don tapos karaoke.!" Ysabelle


"Sagot ko na alak! Dadalhin niyo ba mga jowakis niyo?" Hindi ko maiwasan matingnan si Reyn na kanina pa tahimik maski sila napatingin dito. Kakaiba pananahimik ng bruhang to ah. Kung malalim iniisip ko kanina mas mukhang ang isang to nalunod na ata pagiisip niya.


"Bitch isasama mo ba si William?" Noon' lang ito tumingin samin at parang litong- lito sa mga pinag-uusapan. Napabuntong hininga pa sila Belle at inis na humarap kay Reyn.


"May nangyari ba kagabi?  Inaway ka ba niyang Jowakis mo?"ani Selene. Maski siguro ako maiinis kung ganon nga nangyari hindi ganito si Reyn kahit onting away lang nila William hindi siya ganito ngayon lang talaga .


"Kagabi nagpakalasing ka ng bongga alam mo ba kung gano kapula si William sa inis sayo nung nakita ka niya kagabi.  ano bang nangyari?" Si Belle naman sumunod na nagusisa pero wala din siyang nakuhang sagot kay Reyn.  Nakayuko lang tong pinapakinggan lahat ng tanong sa kanya.


"Hiwalay na kayo?" Nag-angat to ng tingin sa akin,  mabilis gumuhit luha sa mga mata nito. I knew it! Tumayo siya at patakbong lumapit sa kinauupuan ko at mahigpit na yumakap sakin. Gano'n na lang mabilis rumehistro pag aalala namin sa kanya.


"Sinubukan ko namang ayusin, pero bakit siya pa unang sumuko?" Matunog na buntong hininga pinakawalan naming tatlo.  Sa aming apat si Reyn ang pinakamasayahin pero siya din yung mabilis madurog.


Nang medyo humupa na pag-iyak niya nakayuko itong tumayo at bumalik sa upuan niya. Ganon na lang kasakit sa amin makita siyang ganon.


"Nung nasa Boracay tayo non, hindi na talaga kami okay." Pinunasan pa neto mga luhang patuloy na bumabagsak. "Parang may mga tinatago siya sa akin, sinabi ko naman sa kanya if may problema I'm here naman to listen but he always said he's fine kaya ang akala ko wala talaga kaming problema. Pero ang hindi ko alam unti-onti na pala siyang lumalayo." Bumuhos na ulit mga luha niya at kitang-kita namin na hirap na siyang pigilan mga to. That asshole! 


"Asan yang William na yan? At sisiguraduhin kong mabubura mukha niyan sa gagawin ko!" Inis na dinampot ni Ysabelle susi sa lamesa at padabog na lumabas. Hindi na namin nagawang pigilan dahil tutok kami ni Selene kay Reyn kung pano namin mapapagaan loob niya.


"Ayaw mo non pare-parehas tayong single ngayon.!" Selene


"Kayo ba ni Belle walang shoot?" Model kasi si Selene at Artista naman si Belle kaya ganito talaga kaganda ang dalawang to while kami ni Reyn maganda naman hindi nga lang kasing ganda nila. Kahit ang daming nagsasabi na magaganda talaga kami. Pero pag nakakatabi namin ang dalawang to parang nakakapanliit amputs .


Wildest DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon