12

14 2 0
                                    



Ni hindi ko alam kung pano ako nakauwi sa hotel,  nilamon ako ng pag iisip habang naglalakad ako.  Tungkol don sa alok ni Oliver.

Andon na yung kilig hindi man lang talaga pinaganda yung pag aalok. Feeling ko tuloy ang baba kong babae. Ganito ba ako kawalang kwenta sa paningin nila na parang pag titingnan ako napaka easy to get kong tao?  Kaya ba nababastos ako?

Wala akong kalakas lakas pumasok sa shower room hindi ko na din napansin na natapos na ako.  Hindi ko na din inabala sarili ko maglagay ng kung ano-ano sa katawan ko dahil parang nawalan ako ng gana kumilos. Humiga ako sa kama at pinagpatuloy pag iisip ko.  Asan na yung kilig?  Yung kilig ko parang binura ng isang salita niya.  Naiinis ako. Nakatulugan ko na ang pag iisip.

Kinaumagahan nag aya si Reyn na mag breakfast daw sa baba pumayag naman ako kesa lamunin ako ng pag iisip ko dito. Kung tutuusin nakakakilig sana simula daw ngayon Girlfriend na niya ako.  Pero kung iisipin din na trip lang pala.  Nakakatamad na lang isipin. Nagsuot lang ako ng White V-neck tshirt at tinernohan ko ng high waist short nag flat sandals lang ako at tamad na tamad naglakad.

"Bat ba ang bagal-bagal mo kumilos?  Dalian mo at madami ka pang ikukwento." Bungad sakin ni Reyn na makababa ako sa Resto na sinabi niya.

"Where's William?" Tanong ko bago umupo. 

"Umorder na nang makakain natin. By the way Bitch!  Ano na nangyari kagabi may pa ' I'm with her pa siya. So may nangyari ba?  Nadiligan na ba?  Mag kwento ka now na." Napangiwi ako sa dami niyang tanong mukang inipon niya lahat to ah. 

"Kinausap niya lang ako kung single daw ba ako?" Nangningning naman mata niya at inaabangan susunod kong sasabihin. "Sinabi ko na Oo at sabi niya simula daw ngayon the F,  girlfriend na daw niya ako."

"Yiieee!  Bitch dalaga kana! I'm happy for you!  Anong sinagot mo? Oliver na yan bitch baka nagpachoosy ka pa? Tagal mo na tong pinapangarap isang gabi lang pala magaganap."

"Tumanggi ako." Ganon na lang yung pag bago ng expression ng mukha niya at sumeryoso. 

"Seriously? bitch Oliver Villanueva tinanggihan mo? Akala ko ba bet mo yan?  Tagal mo na dyan nagpapaka fangirl, asan na yung malanding Shine? What happened?"

"Alam mo yan din tinanong niya halos. Maski ako tinanong ko sarili ko what happened bat ko tinanggihan pero Reyn knowing na lasing lang siya at ako napagtripan nawala lahat ng pagkabaliw ko sa kanya na sa tingin niya napaka easy to get kong tao. Hindi man lang pina romantic pag aya sakin baka sakaling pumayag agad ako.  Kaso parang biglaan lahat?  Look ni hindi nga niya ako kilala, ako lang nakakakilala sa kanya." Tiningnan ko yung fork na kanina ko pa pinaglalaruan.


"Sabagay may point ka bitch.  Tinanong mo ba kung bakit sinabi niya yon sayo? Kung bakit ganon siya biglang umasta na parang atat na atat agad?" Nilingon ko si Reyn napaisip din ako sa sinabi niya.

"Actually bago niyan narinig ko sila na naguusap-usap at halatang problemado si Oliver simula nga nung dumating kami ni Clifford sa pwesto nila nagpapakalunod na siya sa alak. Kaya feeling ko isa don kung bakit bigla na lang siyang nagkaganon. But i know typical na Oliver babaero pero sa ganoong biglaan? Girlfriend agad ang nais? Himala yon diba?"


"Pano yan?  Hindi mo na bet?" Umirap ako sa kanya.

"Syempre BET ko pa din!" Inisip ko nga baka may rason lang yon.

Napahinto lang pag uusap namin ng dumating na si William kasunod ng mga inorder niya.  Na pa Wow kami ni Reyn ng ilapag niya masasarap na seafood sa lamesa namin. 


Wildest DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon