"Dyusko Shine pang dalawang ube gallon icecream mo na yan. Kaloka ka ganyan ka kagutom? talagang pinadala mo pa sakin yan dito. Tirik na tirik araw sa labas. Pupuntahan ko pa bebe ko sa condo niya no."
"Selene pwede ba I'm eating." Nagpadala kasi ako sa kanya ng icecream ube flavor, dahil yon sinisigaw ng sikmura ko ngayon. Masyado na akong madaming gustong kainin ewan ko ba pagod lang siguro dahil halos dito na ako tumira sa factory dahil ang daming gawa.
Buti na lang talaga at may kwarto ako dito at dito na ako natutulog. Dahil din siguro sa pagpupuyat ko dahilan para makaramdam ako ng paghihilo. Medyo napapadalas na nga pero dahil siguro don yon.
"Hays. " inilapag ko kutsarang hawak ko at tumingin kay Selene na nakikiselfie sa mannequin ko dito sa office.
"What? Ang bigat masyado ng hininga ah." Sabi neto pero ang mata nasa cellphone pa din patuloy sa pag kuha ng litrato.
"Are you busy?" Sabi ko dito kaya takang lumingon to sakin.
"Look? Yes. Nag selfie ako with my fav. friend dahil siya hindi ako inuutusan sa gitna ng arawan." Pataray netong sagot kaya inirapan ko din siya.
"Seryoso , puntahan na kaya natin si Belle. Let's talk to her about don sa sinabi ni Oliver." Mabilis tong lumapit sa tapat ng table ko at inilapag phone niya.
"We don't have evidence Shine besides hayaan mong si Reyn makatuklas non. Wag tayong manghimasok." Seryosong sagot neto sakin sabagay may point siya eh.
"But bestfriend natin sila pareho, you think magandang may ganito sa grupo natin? Belle's cheating and boyfriend pa ni Reyn look wala akong kakampihan let's just talk to them both and alamin what's really happening." Kinuha ko ulit yung kutsara ko at sumandok ng icecream. Binalik ko sa kasama ko ang tingin ko pero seryoso lang din to. Seriously parehas kaming nastress . Sa kanya ko kasi sinabi agad.
"Malaman ko lang talaga baka masabunutan ko pareho yan. I didn't expect that. Belle? William? How? Like we've been friends for almost fifteen something years na tapos mag kakaroon ng agawan ng bebot.? Tapos eto tayo hindi alam kung saan mag uumpisa? You know this is really big trouble. Arggh nastress ako." Natawa na lang ako ng guluhin neto buhok niya at mabilis na hinila icecream ko kinuha pa neto hawak kong spoon.
"That's mine bitch!" Pang-aagaw ko pero nilayo lang neto yon sakin.
"Bitch hindi mo nga to binayaran sakin. Maka mine ka sayo to? Utot ako bumili neto! Tanggalin ko lang stress ko ghad." Tumayo pa to para talaga hindi ko mahila icecream sa kanya. Bitch!
" I'll pay later, give that to me bitch , I'm craving for that! Seryoso ako" Sigaw ko sa kanya at binelatan lang ako. Hindi ko alam kung saan nanggagaling tong pagkakairita ko sa kaibigan ko at parang gusto ko tuloy ipasok sa ngala-ngala niya yung spoon na hawak niya.. Oh ghad napahawak ako sa bibig ko ang brutal ko sa part na yon.
"Ano ka buntis?"
And damn , naestatwa ako sa pwesto ko. Tatayo sana ako para hablutin sa kanya yung icecream when that's hit me. Three weeks akong delay pero hindi ko yon pinapansin dahil minsan isang bwan ako hindi talaga dinadatnan, normal na sakin yon but ngayon na alam kong may nangyaring something parang biglang nagkarerahan puso ko sa bilis. No hindi pwede natawa ako ng pilit delayed lang siguro. Hindi to pumasok sa utak to sa totoo lang.
"Oh tahimik ka? Buntis ka?" Mabilis kong pinalitan reaksyon ng mukha ko ng ulitin niya ulit sabihin yon. Napahawak ako sa lamesa ko ng may nararamdaman na naman akong hilo. Pero pilit akong ngumiti kay Selene.
BINABASA MO ANG
Wildest Dream
RomanceWILD SERIES #1 Oliver Bryz Villanueva "I am choosing to live beyond my WILDEST DREAM . I wonder where they'll take me. " -Shine