21

19 2 0
                                    

Two weeks na nakalipas ng makabalik kami sa Manila. Hindi ko na din nakausap pa si Oliver matapos ng mangyari sa amin. Nilalamon kasi ako ng kahihiyan ko, nilamon ako ng hiya na kung bakit bumigay ako bigla.

Nahihiya ako na baka isipin niya na easy to get lang ako na ganon lang pala ako kadaling maangkin.

"Ahh!!  I hate life" Isinubsob ko sarili ko sa unan ko. Mamaya pala at pupunta ulit ako sa ClinThon dahil na approve na daw request ko. Buti na lang kahit papaano eh may good news na dumating sa akin.

"Madam Arlene thank you for helping me lot. " kuha ko sa kamay neto.

"Ano ka ba. Sabi ko nga sayo malakas ka sakin. Oh siya wala man lang ba kahit pa Coffee?" Biro neto, dinala ko siya sa bucks na may star na hindi naman kalayuan sa building nila.

"Medyo doble trabaho kami ngayon lalo na't ikakasal na yung apo ng may ari lahat sila busy kaya saming mga head kailangan doble work." Kunot noo akong lumingon sa kanya habang higop yung frappe ko.

"Ikakasal? Si Keisha po ba yon?" Ibinaba ko iniinom ko at tumingin sa kanya ng deretsyo.  Tumango ito sakin.

"Si ma'am Keisha nga.  Ngayon nga ay balibalita na baka sa ibang bansa daw ganapin wedding, nakakainggit sana ako din ikasal na." Ang bilis naman makahanap ng kapalit kay Oliver business pa din siguro naka connect pakikipag kasal niya. Ngayon tuloy iniisip ko yung tungkol sa engagement namin kuno ni Oliver nakailang pagsasama na kami pero hindi niya ulit sakin nakwento tungkol don.

"Kanino daw pala siya ikakasal?" Dagdag na tanong ko

"Hindi ko pa nakikita pero, sobrang gwapo daw, alam mo pa hatid sundo niya pa si ma'am Keisha yun ang sabi-sabi dahil lagi nila nakikita sasakyan ng lalaki sa parking lot." Tumango tango na lang ako sa sinabi niya.

"Ikaw ba?pag kinasal ka paki balitaan ako ah. Kahit sa wedding lang maka feel ako kung anong feeling nang nasa kasal" Pinagmasdan ko maigi si ma'am Arlene hindi pa naman eto matanda siguro nasa mga trenta lang siya akala ko nga at may asawa na to pero dalaga pa din daw siya since birth. Nakaka wow lang at may itsura naman siya pero hindi makabingwit ng lalaki.

"Hayaan mo ramdam ko ikaw na next" echos ko sa kanya. Parehas kaming napatingin sa phone ko na nasa lamesa ng mag ring to. Kaya nag excuse muna ako sa kanya lalo ng makita kong si Mommy yung caller.

"Sweetie, Your dad and I are going home, maybe you want to go home first to visit us? Tomorrow morning lapag ng eroplano namin. We'll be there siguro mga lunch , join us sweetie we miss you so much." Napairap ako sa hangin matapos marinig sweet words ni mommy . And what?  Pipilitin ulit nila akong igive up na factory ko at magtuon na lang sa kumpanya?  Paulit-ulit

"Mom if it's just about our business again I'm not interested.  Just talked someone na maiintindihan kayo." I dont want to be rude to them im just saying straight to the point here.

"Sweetie we're just want to see you lang no more business topic i'll promise be with us tomorrow sweetie please. Wag mo nang tanggihan si mommy,  you're so many palusot lagi. Magtatampo na ako niyan ,just tomorrow sweetie be with us." Ako ba tinanong niyo kung nagtatampo na ba ako sa inyo?  Oh kung namimiss ko na ba kayo?  Napayuko at at naikuyom ang palad. I sighed

"Pupunta ako." And i ended the call. Pilit akong ngumiti at lumapit sa kasama ko. Hindi na rin naman na nagtanong si ma'am Arlene at natapos din yung chikahan namin. Nagpasalamat pa ulit ako sa kanya ng mamaalam na tong papasok na.

I checked may phone nang mag vibrate ulit to, mabilis ko tong kinuha at sinagot without knowing who's caller.

"Yes mom,  pupunta na nga ako!" Singhal ko pero tawa lang ng lakaki narinig ko sa kabilang linya.


Wildest DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon