4am nang umaga ng umalis kami ng Boracay, saglitan lang din ang byahe kaya nakauwi din kami sa sari-sarili naming bahay.
Pagod akong humiga sa kama ko. Nakatingin lang ako sa kisame habang inaalala mga nangyari ng gabing nakausap ko mga magulang niya. Pagtapos din kasi namin kumain hinatid na din niya ako. Hindi man lang namin napag-usapan kung ano mangyayari. Ang sabi niya ay kausapin na lang daw niya ako pag nakabalik na kaming lahat. Hanggang ngayon hindi ko pa din matake lahat ng nangyari non. Yung tipong mapapa wow ka na lang sa biglaan.
Alam kong nahihirapan din siya ngayon malamang. Bigla kong naisip yung sinabi niyang next month ipapakilala niya ako? Pano? Hinawakan ko yung dibdib ko habang pinapakiramdaman tibok neto. Sarap sa feels!
Yung polo nga pala. Naalala ko na lalabhan ko yon at naisipan kong i display ko na lang dito sa kwarto ko isasabit ko sa dinding para kada pasok ko makita ko agad, isipin ko na lang andon siya at nakatayo. Shems katakot erase erase sa cabinet na nga lang pala.
Napatayo ako para ayusin lahat ng mga gamit ko sa bagahe ko at ilabas lahat ng yon. Ipapalaba ko na lang ang iba ko pang nagamit.
Kinabukasan..
Maaga akong nag ayos dahil kailangan kong pumunta ng Factory dahil nga doon sa mga deliveries na hindi nadala.
"Bakit daw hindi na tinanggap?" Tanong ko kay kuya Joven na driver ng factory ko. Andito kami sa office ko at minimeeting mga tao kong naka assign sa deliveries.
"Hindi daw kasi kaya ng Quality Control natin yung dami pa ng damit na nasa mga sewer, umabot na kami ma'am ng magdamag para sana kahit papaano eh maihabol kinaumagahan kahit mag karoon man ng penalty. Kaso madami pa daw po sa mga Sewer natin lalo sa mga repair." Napahawak ako sa ulo ko ng maisip kung gano kalaking problema to. Hindi ko sila pwedeng sisihin dahil nag overnight na sila halos non para lang maihabol kinaumagahan.
"Anong mas madami, yung naiwan o yung naideliver niyo Junrey?" Tanong ko sa kasama ng driver ko lagi pag nag deliver . Siya kasi taga check ng damit na mailalabas pag deliver na.
"Mas madami yung naideliver ma'am sampung libo na T-shirt yung kabuuang total. Ang naideliver lang namin pitong libo. Bale may natira pa pero nandyan na po natapos na siyang gawin naka packing na din ready na po sana ideliver. Kaso po hindi na tinanggap, 3pm na po kasi natapos lahat eh hanggang 12pm lang binigay na oras samin ng ClinThon kaya pinabalik na lang." Mas lalo akong nanlumo, pangalawang beses palang nangyari to samin yung una nalusutan ko dahil sa madaling paki usapan 'yon at saka ibang kumpanya yon. Pero etong ClinThon na kumpanya na to mahigpit talaga.
"Hayaan niyo subukan kong kausapin. Hindi pwedeng hindi natin maibigay yang mga T-shirt na yan wala naman tayong pag gagamitan niyan. Please next time paki tingnan naman kung kaya ideliver o hindi. Kasi oras talaga natin kailangan dito. Okay?" Mahinahon kong pakiusap sa kanila alam kong mas matatanda pa sila sakin. Pero pag dating sa work gusto ko pantay-pantay kami ng tratuhan. Tumango naman sila kaya pinalabas ko na din , pinaayos ko na din sa kanila yung mga dapat ideliver.
Nakakapanlumo lang dahil sa mga natira na yon libo-libo din ang mawawala sakin doble pa. Sobrang laki na din kasi nagastos ko sa mga accessories non. Iniisip ko kung paanong pakikiusapan yung mga head ng company ng ClinThon. Napabuga ako ng hangin ang dami ko ng iniisip.
Nag pa drive ako kay kuya Joven para pumunta sa Makati dahil andon yung kumanya ng ClinThon. Iniisip ko palang mga sasabihin ko parang naiisip ko na agad na mahihirapan ako. Naramdaman kong nag vibrate phone ko na nasa bag ko kaya agad ko tong kinuha.
Bitch Ysabelle calling..
Napairap ako sa hangin anong kailangan ng babaitang to.
BINABASA MO ANG
Wildest Dream
RomanceWILD SERIES #1 Oliver Bryz Villanueva "I am choosing to live beyond my WILDEST DREAM . I wonder where they'll take me. " -Shine