PANGATLO

21 3 0
                                    



COLD BAR'

Basa ko sa Bar na nasa tapat ko, hindi to kalayuan sa Party. I decided pa din na mag Grab at dito ako dinala ni manong. I asked him kung meron bang malapit na Bar dito. At eto na nga 'yon nakatayo ako sa harapan ng tinuro niya. Gano ba kalamig dyan at Cold talaga ang pinangalan?

Actually suki talaga ako ng mga Party, lalo na kung kasama ko mga kaibigan ko. Yeah except kay Reyn meron pa akong dalawang bitches. Out of town sila pareho at naiwan nga kami ni Reyn. Napabuga ako sa hangin at tinahak papasok sa Bar.

As usual sa mga bar unang pasok mo usok talaga ang mag wewelcome sayo. I'm used to it. Di pa masunog mga baga.

Habang nag lalakad. I texted Reyn na pwede siya sumunod dito tutal malapit lang naman. Baka nga lang gusto niya.

Tinungo ko agad ang bar counter yan naman talaga pinunta ko. Marami-rami ring tao halos karamihan nasa dance floor at gumagawa na nang kahihiyan. May iba na tinapunan ako ng tingin. Who cares. Umupo ako sa bakenteng upuan. Nilapitan din agad ako ng bartender. Tinanong agad neto kung anong order ko.

"One Margarita and Salty dog please. And oh pa add ng lemon thanks. " panindigan ko talaga yung walwal na gusto ko.

"My treat. " Nilingon ko yung lalaking umupo sa tabi ko nakangiti tong nakatingin sakin. "Leonard, and you?" nilahad neto kamay niya sakin pero tiningnan ko lang ito.

"Kung ginawa mo yon para magpakilala lang sorry i'm not interested. I can pay." Inalis ko na sa kanya tingin ko. Nakita ko sa gilid ng mata ko na medyo napahiya to sa ginawa ko at binaba kamay niya.

He is not Oliver para pag laanan ko ng atensyon. Pero hindi ko matatanggi na may istura tong lalaking katabi ko.

"It's still my treat, even if you don't want to." Hinayaan ko na lang to at sakto naman dumating yung order ko.

Mag kasunod kong tinungga yung alak na inorder ko at sinabayan ko ng lemon pag katapos. Dumaloy naman ang pait sa lalamunan ko kaya medyo napapikit ako . Ramdam ko na pinapanuod ako ng katabi ko habang tumutungga . Bat di pa to umalis? Naiirita ako. Audience siya?

"Wow. " Sabi ng katabi ko na may kasama pang mahinang palakpak. Tiningnan ko naman ito at tinaasan ng kilay.

"You drink hard? Hindi halata sayo." Tawa-tawa pang sabi neto. Inirapan ko lang siya at umorder ulit ng alak. Libre daw niya, sige tingnan natin hanggang saan aabot Yang libre niya. Wala naman akong narinig na pag angal galing sa kanya.

"Ngayon lang kita nakita dito." Sabi neto at naramdaman ko ang pag-usod niya palapit sakin. Pero hindi ko na lang pinansin.

"Kailangan ba araw-araw mo ko nakikita dito? " Patol ko sa sinabi niya.

"Yes hehe. Ah n-no I mean dayo ka lang dito? Wala pa akong nakikitang kasing ganda mo na laging andito sa bar ko." Ah so siya naman pala may ari ng bar na to. Kaya naman pala malakas mag angas na mag treat. Ano nga ulit pangalan neto leopard? Leo? Whatever.

"Di ko alam na may pa welcome pala ang mga dayo dito sa bar mo?" Sabi ko at tinanggap yung bagong order ko.

"Sayo lang." Rinig kong sabi niya. Mukha niya di ako nadadala sa mga mambobola. Hindi ko pinansin sinabi niya at lumagok lang ako ng inumin.

Hindi niya pa din ako nilulubayan simula nung dumating ako dito kanina. Grabe dinaig pa tatay ko nakabantay.

I'm already felt dizzy na. Kanina pa din kasi ako umiinom, minsanan lang to at libre kaya sinulit ko na din. Pero ibang hilo ko ngayon.

Wildest DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon