Kaya siguro ganon na lang inis ko sa kanya. Kasi siya naman dapat yung babaeng para kay Oliver. Nakanguso kong kinuha yung isang boteng beer at pinuno baso ko. Ininom ko to habang nakatingin kanila Oliver na ngayo'y seryosong nakikipag usap kay Keisha.
"What's with your face bitch?" Sumandal pa ito sa balikat ko halatang nahihilo na."Bakit hindi mo ata ginagamit ngayon powers mong kalandian. Go get him"
"Masyado na akong madaming nagawang kahihiyan. Pass muna ako ngayon." Umayos to ng upo at humarap sakin mapupungay na mga mata neto gawa ng alak. Anytime parang pipikit na.
"That's new?" Nagsalin ulit ako ng beer sa baso ko. "Fall's really hard ha." Inirapan ko siya dahil sa nakakalokong ngiti neto uminom na lang ako.
Umingay sa lamesa namin ng magbalikan sila Ysabelle at Selene.
"That guy! Dede lang daw meron ako eh kung ingudngod ko siya sa dedeng meron ako!" Padabog nilagay ni Selene yung boteng hawak niya at inis na ginulo sarili niyang buhok she's really frustrated.
"Who's that guy?" Ani ko, pero inis lang ulit tong uminom ng alak. Parang kanina lang sasayaw sayaw sa gitna tapos ngayon nag memema.
"One of Oliver's dude." Ysabelle looks at him kaya napalingon din ako don. Sino sa mga kaibigan ni Oliver?
"Kilala mo?" Tanong ko pa kay Belle dahil mukhang di masasagot ni Selene dahil lalango-lango na to sa alak.
"Nope pero kanina pa sila nagtatalo non." Curiousity hits me. Mukhang tinamaan din kaibigan ko sa grupo non ah. Hindi ko inaasahan na pagtingin ko sa pwesto nila Oliver ay siya ding paglingon niya sakin. Tumatango lang siya sa mga kwento sa kanya ni Keisha pero ang paningin niya deretsyong nakatunghay sa akin. The F!
Sumilay pa ngisi sa labi niya pero hindi ko alam kung dahil ba iyon sa kwento ng katabi niya o dahil sa akin na hindi magawang alisin tingin sa kanya. Itinagilid pa neto ulo niya para marinig maigi ibinubulong sa kanya ni Keisha pero kahit ganon nasa akin pa din tingin niya.
Hindi ko magawang alisin tingin ko sa kanya kahit alam ko sa sarili kong kaya ko. Napabuga ako ng hangin na kanina ko pa hindi magawa ng ialis mismo neto paningin niya sakin at seryosong humarap kay Keisha. The F! Titigan labanan Shine?
"Restroom lang ako." Paalam ko sa kanila tiningnan ko muna mga kaibigan ko sabay tumayo. Inaalo pa ni Belle si Selene na badtrip na talaga while Reyn inis na nakikipag-usap sa phone niya sure na si William yon.
Inayos ko lang sarili ko sa salamin. Ayoko din magtagal dito sa loob dahil sa huli kong karanasan sht! nanayo balahibo ko ng maalala na naman pangyayaring yon sakin. Hinawakan ko pa leeg ko habang nakatingin sa salamin the f! Hindi pa din pala mawala yung ala-alang yon. Mabilis kong pinasok make-up kit ko sa pouch ko at mabilis lumabas. 'Ganon na lang gulat ko ng makita si Oliver sa gilid ng pintuan nakasandal at parang inip na inip na nag aantay, kanino? Sa akin? Himala lang yon.
Handa ko na sana siya lagpasan, nang tumayo siya ng tuwid at humarang sa dinaraan ko. Nag angat pa ako ng tingin sa kanya kung seryoso ba siya? Nagsisi ako ng tingnan ko siya dahil seryoso lang tong nakatingin sakin.
"Why?" Una kong tanong dahil mukang hindi siya magsasalita.
"I just make sure nothing happens again." Deretsyong sagot niya. Napaka straight to the point ng taong to hindi na lang magsinungaling na may ibang inaantay.
"Why? I thought you don't care ha." Taas kong kilay. What happen at naging concern?
"Wala nga." Sagot neto at umiwas ng tingin sakin.
BINABASA MO ANG
Wildest Dream
RomanceWILD SERIES #1 Oliver Bryz Villanueva "I am choosing to live beyond my WILDEST DREAM . I wonder where they'll take me. " -Shine