Bumalik ako sa room na lutang. Nag shower muna ako saglit para makapag palit, Pagbalik ko sa kama para akong baliw na lumundag lundag inaabsorb lahat ng nangyari kanina lalo pa yung huli niyang sinabi. Argh binabaliw ata talaga niya ako.
Tiningnan ko yung polo niya na nasa lamesa ko.
"Akin na lang daw to ano bang magandang gawin dito? Eh kung isuot ko kaya to pang araw-araw hindi ako magsasawa dahil galing to sa kanya." Parang baliw na sabi ko sa sarili ko. Naagaw ng cellphone ko pag iimagine ko ng may tumawag doon.
Bitch Selene calling..
"Bitch i miss you!" Yan agad bumungad sakin sa napakatining na boses neto. Walang pinagbago kaazar.
"I miss you too kailan ba uwi niyo ni Ysabelle na makapag hang out naman na." Umupo ako sa kama at inipit yung phone sa tenga ko para maitupi ko ng maayos yung polo ni Oliver don ko na lang labhan pag uwi ko.
"Anong kailan we're here na sa Manila. I'm here on Ysabelle flat. You guys ang daya niyo andyan pala kayo sa Boracay hindi niyo man lang kami ininform." So nakauwi na pala ang mga babaita sure na puro laman na naman kami ng iba't ibang Bar. Knowing Selene suki sa ganyan.
"Eh hindi niyo din naman kami ininform na uuwi kayo." Nagpatuloy kami sa paguusap kaya lumabas ako sa Balcony at umupo. "Naka move on kana ba?" I laughed nang marinig kong buntong hininga niya sa kabilang linya. Sobrang broken niya dahil sa jowa niyang pinalit siya sa isang lalaki din. Hotdog hunter amputs.
"I already move on na. Actually meron ako ngayong bagong tinatarget. You know what sobrang gwapo neto at mayaman! Ang problema napaka inosente sa lahat ng bagay!" Napairap ako dahil hindi naman talaga siya nawawalan ng kalandian.
"Inosente? Oh bitch hindi dahil dyan sa ex mo at bata naman naisipan mong Jowain nakakaloka ka! Child abuse!" Asik ko.
"Ofcourse not! I'll tell you buong story pag balik niyo dito tom. Dalian niyo balita ko madami ka din daw sakin ikukwento malanding to." Yun lang napag-usapan namin at tinapos na din namin. Pati tuloy ako nacurious kung sino ba nilalandi non. Himala lang sa sobrang pagmamahal niya sa beki niya palang jowa. Himalang naka move on siya.
Anyways pinagmasdan ko yung dress na susuotin ko mamaya at nabuhay na naman yung kaba sa dibdib ko. Grabe hindi ko pa nga siya Jowa pakilala agad sa Parents ang nais. Dahil sa naisip ko na namang kalandian kung bakit nawala kaba na bumabalot sakin kanina.
Ang sabi pala ni Oliver 6pm andon na siya sa Resto. So makakapag Beauty rest pa ako. Hindi ako ginambala ng kaibigan kong si Reyn at himala yon mukhang may ginagawa na silang milagro na late yung Anniversary gift nila sa isa't isa. Napangisi ako sa naisip na baka nga.
Dumaan yung tanghalian na hindi talaga ako inistorbo nila Reyn kaya nagpa room service na lang ako ng sarili kong pagkain bahala sila, maubusan sana sila ng condensada sa katawan!
Pagtapos ko kumain naisipan ko nalang muna matulog para naman hindi ako mukhang bangag mamaya sa harapan ng parents ng asawa ko. Echos lang!
Ganon na lang gising ko ng mag vibrate mismo sa unan ko yung cp ko nakalimutan ko palang alisin ito sa ilalim ng unan. Nakasanayan ko na kasi ito. Nag alarm ako ng 5 para 1hr akong kumilos sapat na yon dahil simpleng Dinner lang naman daw sabi ni Oliver pero dahil parents niya kaharap inayusan ko maigi sarili ko.
Naligo muna ako at kung ano anong ritwal pinahid ko sa katawan. Gusto kong maging fresh sa harapan nila. Itinirintas ko buhok ko na mala Elsa at naglagay ng light make-up at liptint sa cheeks at sa lips at charan! Simpleng simple. Nakatingin ako sa salamin at pinagmamasdan kabuuan ko tinitingnan kung may mali ba at baka mapuna nila.
BINABASA MO ANG
Wildest Dream
RomanceWILD SERIES #1 Oliver Bryz Villanueva "I am choosing to live beyond my WILDEST DREAM . I wonder where they'll take me. " -Shine