"Ano bang malay natin? 'Di naman talaga taga dito iyang mga yan! Ay sa malamang pokpok nga talaga iyan" marahas na bumaling ang mga mata ko sa tinderang nag salita.
Sabay-sabay pang umiwas ang mga mata ng mga ito.
Nag-aalala kong nilingon si mama. Her brows are creased and she's sweating.
Malamang si mama nanaman ang pinag uusapan nila. Lagi naman eh. Simula nang lumipat kami dito sa Santa Monica, hindi na nawala ang usap-usapang pokpok si mama. Bakit? Kasi wala siyang asawa. My looks are not obviously from her, iniisip nilang galing ang mga ito sa tatay kong may lahi.
My hair and eyes is light brown. My skintone is lighter than the usual, taliwas sa pangkaraniwang kulay ng isang pilipina. Kahit nasa high school palang ay 5'7 na ang tangkad ko.
I never met my father.
Simula nang mamulat ako sa mundong ito, wala akong nakilalang tatay. Siguro kaya tingin nila kay mama ay babaeng mababa ang lipad.
Mama never spoke about it. Ang sabi lang niya, patay na si papa. Kahit kung ano-ano ang sinasabi sakanya, hindi niya ito pinapatulan. That's one reason why many are into her. Kahit may asawa na, sinusubukan parin si mama. Na mas lalong kinagagalit ng mga ito. I can't blame them though. Kahit kasi 35 na ito, walang kupas ang ganda neto. Hindi siya mahilig makipag-away. Kaya kung makapag-parinig ang mga ito ay walang preno.
My mom doesn't fight but I do. Kung hindi lang ako pipigilan ni mama ay makakatikim ang mga iyon saakin.
I sighed.
"Ako na diyan, Ma" inagaw ko ang hawak na plastic na naglalaman ng bigas.
"Dahan-dahan, Lila. Baka mabutas" paalala neto sa kalmadong tono.I noticed the vendor's stare.
Inirapan ko ang mga ito at binilisan ang lakad.
"Mama, bibili ka pa ng tinapay diba? Kita nalang tayo sa sakayan. Bilhin ko na yung mga gamit sa school" tumango eto at akmang dudukot ng pera sa wallet nang pigilan ko ito.
"May pera ako. Ipon ko. Sige na, Ma" mabilis ko itong tinalikuran para hindi ako mapilit.Kahit maayos naman ang kita ng sari sari store, nanghihinayang parin ako sa ibibigay niya. Wala naman akong ibang pinagkakagastusan kaya pwede na itong ipon ko.
I'm wearing a skinny jeans and a tucked in shirt. Isang puting sneakers naman ang tinerno ko dito.
Pumasok ako sa bilihan ng school supplies.
I just had my moving up 2 months ago. Sa susunod na linggo ay nasa senior high school na ako. Sa maliit na bayan ng Santa Monica, nag iisa lamang ang paaralan mula senior high hanggang college kung kaya't pati ang mga anak ng hasyendero at hasyendera ay makakasalamuha mo. I have no thing against them though, kahit ang karamihan sakanila ay bully. Hindi rin naman nila ako pinagtutuonan ng pansin. I'm always alone in school. I literally have no friends and it's okay. Siguro pinapalayo ng mga magulang nila saakin.
Para namang gusto ko makipag kaibigan sakanila? Eww. Siguro nga karamihan sakanila, ilegal ang negosyo.
Ngumuso ako sa naiisip. Tutal hinuhusgahan nila kami ng nanay ko, huhusgahan ko na rin sila sa isip ko. Pasalamat sila hindi ko sinasabi.
Isa-isa kong kinuha ang mga papel na kakailanganin. Wala masyadong bumibili sa shop na 'to. Siguro dahil mas gugustuhin nilang bumili sa mga mamahalin.
Nang napunta ako sa mga ballpen ay pumili na ako ng itim, pula at asul. Dinoble ko na rin ang mga ito kasi mahirap na. Ayaw kong manghiram no. Ayaw kong magkautang na loob sa kahit sino sakanila.
BINABASA MO ANG
Sinners [ Gone Bad Series #1 ] (Completed)
RomanceIn a love between two people, there's always one who'll love the other person more, the one who'll forgive and sacrifice the most. They are the ones who will do anything, good or bad just for the other person. They can be the worst person for love a...