LILA
Nanghihina akong napaupo. Humapdi ng sobra ang mga mata ko. Sumigaw ako ng napaka lakas at pinag papalo ang sariling binti.
Nangangalambot akong humiga at umiyak.
I'm so mad. Galit ako sa sarili ko. Pakiramdam ko sobrang tanga ko. Isang buwan palang, Lila. Isang buwan palang simula noong nagkita kayo ulit. Lubog na lubog ka na?
Sinabunutan ko ang sarili ko at hinayaan ang sariling umiyak ng umiyak.
Inabot ako ng ilang oras doon bago tumayo at mag ayos. Sinuot ko ang damit mula sa kagabi at umalis doon.
Iniisip kong pumunta sa pinaka malapit na bar pero halos hampasin ko ang sarili nang maalalang tanghali palang. I laughed hysterically inside my car. I feel so miserable. I feel so pathetic for crying.
Nang makauwi ay naligo ako at kumain ng kaunti. I booked a flight to Palawan. Susundan ko si Charlie. Maybe he's just there for work. Right. But why is he with that model? I thought we're already clear last night?
Muli ay humapdi ng sobrang mata ko pero agad kong pinigilan ito. Lalaki lang iyon. Pupuntahan ko siya at kung ayaw niya saakin edi uuwi ako. Ganun ka simple. Kahit doon palang sa iniwan niya akong mag isa sa kwarto niya at umalis ng walang pasabi ay medyo maliwanag na saakin, hindi niya pa ako napapatawad.
I still want to take risk and ask him for myself. I want him to know what I really feel.
Bukas ng umaga pa ang flight ko kaya inaya ko si Aila na lumabas muna.
Mula sa kotse hanggang sa pagpasok sa bar ay kinekwento ko sakanya ang nangyari. Inaalo naman ako neto dahil kanina pa ako umiiyak.
Kahit ang mga napapadaan sa table namin ay napapatingin saakin. Kasama namin ang iilang kaibigan na laging naririto.
Ilang oras na kami dito at kanina pa nila ako binabalik balikan para i check.
Nahihilo na ako sa dami ng nainom ko. Tawa iyak na rin ang ginagawa ko.
May tumapik sa balikat ko kaya nilingon ko kung sino 'yun. "Airon!" sigaw ko at tumayo para halikan ito sa pisngi. "Woah there, Lila! You're drunk!" nag aalalang sabi neto ang ngumiti ng kaunti. Isa ito sa mga kliyente kong artista. Pina upo ako neto at pinanliitan ng mata. "You should go home, Lila. Who's with you?" umiling iling ako at itinulak ito.
Saglit pa itong nakipag debate saakin pero nang dumating si Aila ay natahimik na ito at umalis.
"Fuck, Lila! You're so drunk! I've never seen you this miserable before" naka ngiwing sabi ni Aila. Umiling iling siya at umupo sa tabi ko. Panigurado ay mugtong mugto na ang mga mata ko pero nagagawa ko pa ring tumawa sa di malaman na rason.
Maybe because I find it hard to believe that I'm being desperate for a man. Dahil lang sa lalaki. Sobrang babaw. Kahit ako ay hindi na rin maintindihan ang sarili.
Napatayo ako nang marinig ang paborito kong kanta. "Ailaaa! Bye!" paalam ko rito at tumatawang naglakad sa dance floor. Nakipag siksikan ako papunta sa gitna at sumayaw.
I raised my two hands and swayed my hips. Hinaplos ko ng marahan ang dibdib ko at pinitik ang balakang. I flipped my hair and danced with everyone around me.
Nang mapagod ay sinubukan kong lumabas doon. Sa sobrang hilo ay hindi ko namalayan na sa kabila ako naka labas.
Dahan dahan akong naglakad at napadaan sa mga table.
"Lila!" nilingon ko iyon at napa ayos ng tayo nang makita ang mga kaibigan ni Charlie. Kasama doon ang naka usap ko kanina na si Zarrion Arranza.
Ngumisi ako sa mga ito at ngumiti ang iilan saakin. "Hey!" bati ko at kumaway. Inayos ko ang buhok ko at minasahe ang noo dahil sa sakit ng ulo.
BINABASA MO ANG
Sinners [ Gone Bad Series #1 ] (Completed)
RomanceIn a love between two people, there's always one who'll love the other person more, the one who'll forgive and sacrifice the most. They are the ones who will do anything, good or bad just for the other person. They can be the worst person for love a...