9

154 4 0
                                    

LILA


"S-si mama" kinakabahan kong sabi. Naka tayo ito sa bintana ng driver's seat.

Buti nalang tinted ang sasakyan.

Nilingon ko si Lian na ngayon ay mukhang hindi rin alam ang gagawin. I bit my lip. "Labas tayo" tumango ito ng marahan at tinanggal ang seatbelt.

Sabay kaming nag bukas ng pintuan at lumabas. Mabilis na bumaling ang mata saakin ni mama. Kinakabahan akong lumapit dito. Walang reaksyon ang mata netong pabalik-balik saamin ni Lian.

"M-ma, kaibigan ko. Si Lian" nilingon ko si Lian at inabot neto ang kamay ni mama para mag mano.

"Bakit ang aga niyo? Kumain na ba kayo?" umawang ang labi ko at mabilis na umiling. Ngumiti ng maliit si mama kay Lian at tinapik ang balikat neto. "Dito ka na mag tanghalian" ngumiti si Liam bago mag salita. "Sige po"

Parang walang binugbog kanina ah?

Mabilis kaming pumasok sa bahay. Dahil na rin sa mga kapit bahay na nagsisimula nanaman. Mabilis kong hinila kay Lian ang bag ko nang makitang dala dala neto iyon.

His eyes went to me and I glared at him.

"Upo na kayo. Ihahanda ko lang yung ulam at kanin" tahimik kaming sumunod kay mama.

Gumala ang mata ni Lian sa bahay habang papunta doon.

Our house is Spanish style. Isa lamang ito sa properties ni lolo at lola. I can't say that we're rich. Ang lolo at lola ko ang may kaya. They're offering to help us pero tumatanggi si mama. Wala akong alam pero sa tingin ko ay may kinalaman ito saakin, noong pinag buntis ako ni mama.

Maaliwalas ang buong bahay dahil na rin sa mga malalaking bintana. Ang mga puting kurtina ay tinatangay ng sariwang hangin. Kahit luma at malaki ang bahay ay matyaga namin itong nililinis lagi.

"Lila, bakit ang aga niyo? May nangyari ba?" sumulyap ako kay Lian. Uminom ito ng tubig bago magsalita. "May mga estudyante pong nambastos kay Yrana kaya inuwi ko muna po siya..." mabilis na na palitan ng pagaalala ang ekspresyon.

"Nabastos?! Sino?! Anong ginawa nila sa'yo?!" umiling ako at pinigilan ang emosyon. "A-ayos na ako, M-ma" Lian licked his lower lips. "Na report ko na po, T-tita. I'll make sure that they'll rot in jail. May excuse letter na rin po si Yrana para makapag pahinga siya next week" medyo kumalma ang mukha ni mama pero bakas parin ang pag aalala. "Salamat, Hijo. Ayos ka lang, Lila? Sinaktan ka ba nila?" lumabi ako at mabilis na umiling.

Huminga ng malalim si mama at sandaling na tahimik. "L-lian, kaya ko namang pumasok ne--" mabilis itong umiling at ganun rin si mama. "Tama siya, anak. Mas mabuti kung magpapahinga ka muna" Lian raised his brow at me.

Ano ako, napilayan? Para namang may kaibahan kung hindi ako papasok?

"Maraming salamat, Hijo. Hindi ko alam ang gagawin ko pag may nangyari sakanya. Lila anak, bibili na tayo ng cellphone mo bukas para hindi ako nag aalala" mabilis akong nag protesta pero nag salita si Lian. "Tita, kung ayos lang po ako na po ang magbibigay? I have an old phone but it's good as new. Matagal ko ng 'di ginagamit" umawang ang labi ni mama. Muli sana akong magsasalita pero sumingit si mama.

Sumimangot ako at ibinaba ang kubyertos.

"Sigurado ka ba diyan, Hijo? Nakakahiya naman" ngumiti si Lian at ikinaway ang kamay habang umiiling. "Ayos lang po. Mag kaibigan naman po kami. Right, Yrana?" lumingon saakin si mama at naka ngisi naman si Lian.

Impakto ka!

"O-oo. Pero ayos lang naman kahit wala" they both ignored me and started talking to each other.

Sinners [ Gone Bad Series #1 ] (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon