18

150 8 0
                                    

LILA


Tanghali na nang umalis ako para sa pagkikita namin ni Aila. I stayed up late to finish the portrait. Kaya late rin akong nagising.

Naabutan ko si Aila na naghihintay sa harap ng isang shop. Nang makita ako ay umirap. "Gosh, You're late" nag kibit balikat ako at sabay kaming pumasok doon.

Agad kaming inassist ng isang babae. "Nabigyan ka na ba ng invitation?" tanong ko habang namimili sa mga dresses. "Yeah. By the way, wala ka bang client ngayon? I didn't even expect you to actually come with me. I thought you're busy" huminga ako ng malalim sa tanong niya.

We went to a few more shops and after that, we decided to have lunch.

"Aila, Remember what I told you in college? When I'm in Santa Monica?" uminom ito ng juice at nag angat ng kilay. "Yeah, what about it? OH MY GOSH! Don't tell me?" eksaheradang react neto kaya inirapan ko ito. "Charlie's mother emailed me. She wants me to do a portrait of her" muli ay huminga ako ng malalim.

"And what did you say? Lila, you know you can't run from the past. Babalik at babalik 'yan para natapos ang mga nasimulan. Malay mo portrait lang talaga yung gusto niya? And closure na rin?" I pursed my lips and shook my head. "I know. I'm just... surprised. Pumayag ako" she held my hand and looked at me with worry. "You can do it, Lila. Kasi kung hindi nga naman ngayon, kailan pa di'ba?"
Tumango tango ako at nagpa tuloy kami sa pagkain.

After that nagpaalam na itong uuwi na at ganun rin ako.

Nang makarating ay pina kuha ko ang mga pinamili at pina dala sa kwarto. Nag tawag din ako ng tauhan na magdadala ng painting ni Benedict sa bahay nila.

I should be enjoying but I can't stop thinking about the email last night. Siguro naman ay noon pa lang, alam na nilang hindi ako anak ni Harry Cervantes? Para saan pa ba kasi ito? Why can't they just forget about me?

Paano kung tama nga si Aila? Na para sa painting lang talaga iyon?

Ayaw mang aminin, alam ko sa sarili ko na kailangan ko ang closure na iyon. Para na rin sa ikatatahimik ng kaluluwa ko. I've been badly hurt, me and my mother. Maybe that's what I really need. But a part of my mind is saying that I can forgive them without meeting them, to avoid getting hurt by the past.

Am I okay? Ayos na ba lahat saakin? What do I really need?

Nagpasya akong matulog muna. I need to loosen up a bit before Friday or else I'll go crazy.

Matapos mag siesta ay bumaba ako para mag meryenda. Wala si Tito Sierro. Si Lolo at Lola ay nasa garden, kumakain. Humalik ako sa pisngi nilang dalawa bago umupo.

"Wala kang trabaho? Bakit hindi mo puntahan si Riyan?" kumuha ako ng isang cinnamon bread bago sumagot. "Bukas, Lola.." kinagatan ko iyon at pinagmasdan ang mga rosas.

"Eww, Roses?" naka simangot kong sabi. Nanlaki ang mata ni Lola. "Do you have a problem with my Roses Lila?" nagkibit balikat ako. Si Lolo ay tahimik na naglalaro sa Ipad neto, hindi kami pansin.

"Aalis pala ako mamaya, Lola. Gala lang" pinanlakihan niya ako ng mata. "Ikaw ha! Mag iingat ka!" tumango tango ako at inubos ang kinakain.

Sandali pa akong tumambay doon bago umakyat sa kwarto at maligo. I'm going to drink tonight. I need this.

I wore a black spaghetti strapped dress. Hapit ito saakin at may mga tali sa ibaba ng mga gilid. I paired it with a knee high boots. Inilugay ko lamang ang buhok ko at nag apply ng lipstick.

Kinuha ko ang purse at sinuot ang itim na trench coat. Bumaba ako at sumama kina Lola sa dinner. She was eyeing me the whole time pero hindi na rin nag salita, sanay na siya saakin.

Sinners [ Gone Bad Series #1 ] (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon