5

247 10 0
                                    

LILA


Pinanood ko kung paano naunang umalis ang sinasakyan nila Avery. Liningon ko si Hyron na ngayon ay pinagmamasdan ako.

"Anong pag uusapan natin?" sumandal ito sa upuan at huminga ng malalim.

"Do you like my brother?" marahas akong nag labas ng hangin.
"Yan ang paguusapan natin, Hyron? Kung gusto ko ang kapatid mo?" I harshly spat. I rolled my eyes and rested my back.

"Bakit hindi mo nalang sagutin ang tanong ko?" puno ng iritasyon ang iginawad ko dito. "Ano ngayon sa'yo, Hyron? 'Di kita makuha, alam mo ba yun? Sana hindi nalang ikaw yung nagpresintang ihatid ako. Pwede mo namang ita--" na putol ang litanya ko nang hampasin nito ang steering wheel na ikina talon ko.

Mabilis ang pag hinga niya at punong puno ng galit ang mga mata.

What did I do?

"So you do like my brother. Bakit ayaw mong ako ang maghatid sayo? Kasi gusto mo si Charlie nalang?" pigil na pigil ang pag sigaw.

Bakit ba siya galit? Ayaw niyang magka gusto ako sa kuya niya? Kasi ano? Kasi pokpok ako? Kaya pinipigilan niyang mapa lapit ako dito?

Umakyat ang init sa ulo ko.

"Bakit ba galit na galit ka?! Anong problema mo Hyro--" naputol ang sasabihin ko nang sumigaw ito.

"STOP CALLING ME HYRON"

Sa sobrang lakas ng sigaw neto ay parang nabingi ako. Hindi makapaniwala ko itong tiningnan.

Ramdam ko ang pamumuo ng luha ko. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Sa nanginginig kong katawan ay binuksan ko ang pinto ng sasakyan.

Sa gulat niya ay hindi ito nakapag salita.

Stop calling him Hyron? Anong gusto niyang itawag ko sakanya? Hindi ko siya maintindihan. Akala niya kung sino siya kung sigaw sigawan ako. Bahala siya sa buhay niya!

Padabog kong sinara ang pintuan at nag martsa sa mahabang daan papuntang gate. Kahit masarap tingnan ang mga rosas na nadaraanan, hindi nito maalis ang sama ng loob ko. How dare he shout at me?

Nang makarating sa gate ay pinag buksan ako ng guard.

"Miss, walang maghahatid sa'yo? Walang dumadaan na pampublikong sasakyan dito" napalunok ako at tinanaw ang mainit at mahabang lalakaran ko. Ni wala akong matanaw. Pero ayaw ko namang bumalik no! Kahit masunog pa ako bahala na!

"Wala kuya. Siraulo kasi yung maghahatid dapat sakin eh. May sira sa tuktok" masama ang loob kong reklamo at nag simula nang mag lakad. Narinig ko pa ang tawag nito pero hindi ko pinansin.

Napalunok ako nang maalala kung gaano kabilis ang takbo ng sasakyan namin kanina. At kinse minutos yun! Pero kahit abutin pa ako ng isang oras, hindi ako babalik!

Mabilis ang lakad ko. Sana pala nagdala ako ng payong. Para hindi mainip, pinanood ko na lamang ang mga nadaraanan. Mukhang ito ang negosyo nila. May mga palay, mais at kung ano ano pa ang inaani.

Kaya pala sobrang yaman. Pero aanuhin mo ang yaman kung sira ulo ka?!

I hissed. Masakit na ang balat ko sa araw pero hindi ko na pinansin yun.

May narinig akong paparating na kotse at nilingon ko iyon. Inirapan ko ito nang maka lapit.

Bumaba ang bintana nito habang sinasabayan ang lakad ko. "Yrana, sakay na" hindi ko ito pinansin at nagpatuloy sa paglakad.

"I'm sorry. Sakay ka na, please" did I hear him right? Nabawasan ang kunot ng noo ko pero pa tuloy parin sa paglakad. Mas binilisan ko at ganun rin ang ginawa niya.

Sinners [ Gone Bad Series #1 ] (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon